^

Pang Movies

Sarah Lahbati naatrasan ng SUV!

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Certified Kapamilya star na si Sarah Lahbati dahil bukod sa weekly exposure niya sa ASAP 20, may regular teleserye na siya, ang Written In Our Stars, at ngayon ang first taping day niya at sa Tagaytay City ang location.

Excited si Sarah na magsimula ng taping dahil kasama niya rito sina Piolo Pascual, Toni Gonzaga, Jolina Magdangal at Sam Milby.

Kilala rin niya ang direktor nila na si Andoy Ranay na nakasama na niya noon sa isang show ng GMA 7.

“Finally, after ng series of guestings, may show na rin ako, so excited na magsimula ang taping,” sabi ni Sarah.

Noong Saturday nga, nag-Christmas station ID shoot na rin siya kasama sina Jolina at Sam at enjoy raw siya.

Medyo bad nga lang ang pagsisimula ng week ni Sarah dahil nabangga ang van niya ng isang SUV.

Inatrasan ng SUV ang harapang bahagi ng kanyang van na ikinagimbal niya.

Ang lakas daw kasi ng impact, kaya sobrang hilo siya.

“Hanggang kagabi, nahihilo ako. Nakaka-trauma. Pati ‘yung driver ko, gulat na gulat nang atrasan kami. Pati siya, sobrang hilo. Mabuti na nga lang at sumama si Zion sa yaya niya na bumili sa Starbucks.

“Kung nakasakay si Zion, baka nadamay pa siya. Ako nga, nahilo-hilo, eh,” kuwento ni Sarah.

Sa ngayon naman daw, okay na ang pakiramdam ni Sarah at handa na nga siya para sa first taping day niya ng bagong teleserye sa GMA 7.

JC negosyante ang ipinalit kay LJ

Non-showbiz businesswoman ang dine-date raw ngayon ni JC de Vera, pero nang usisain siya ng entertainment press sa launch ng latest endorsement niya na Imono Steel Jewelry, ayaw naman niyang i-reveal ang identity ng kanyang ka-date.

Mukhang ang babaeng ‘yon ang nagpapatibok ng puso ni JC after niyang ma-link kay LJ Reyes.

Bukod nga pala kay JC, si Lovi Poe ang isa pang endorsement ng Imono Steel Jewelry.

Aktor na nagroroco sa gf na aktres, maghihiwalay na?!

Ang tsika, nagkakalabuan daw ngayon ang isang actress/singer at ang aktor na boyfriend niya.

Kahit magkasama sa isang teleserye, hindi naman pareho ng location ang dalawa.

Hindi rin masyadong pinag-uusapan ngayon ni actress/singer ang boyfriend.

Sabi ng isang malapit sa dalawa, hindi niya alam kung mauuwi sa hiwalayan ang problema sa relasyon ng dalawa, pero sana raw ay maayos nila ang problema sa kanilang relasyon.

Nagroroco este nagloloko kaya si aktor kaya tila palaging matamlay ngayon si actress/singer kapag siya ang topic?

Well…

ACIRC

ANDOY RANAY

ANG

CERTIFIED KAPAMILYA

IMONO STEEL JEWELRY

JOLINA MAGDANGAL

LOVI POE

NIYA

NOONG SATURDAY

PATI

SIYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with