MANILA, Philippines – Matapang na TV Newscaster si Kara David. Umaakyat sa mga bundok at pumupunta sa mga kweba, lumulusob sa mga malalaking event tulad ng bagyo, sunog at baha. Subali’t sa lahat ng pag-iinterbyu ni Kara, minsan lang siya muntik mapaiyak, noong kapanayamin si April Boy Regino.
Muntik siyang mapaiyak noong isa-isahin ng singer ang mga biyayang unti-unting nawala dahil sa tinamong karamdaman. Lalo siyang naawa noong ipagtapat ni April Boy na unti-unti nang lumalabo ang kanyang paningin dahil sa karamdaman.
Alam ni Kara, kung gaano kahalaga ang paningin sa isang tao.
Sana tulungan nating bilhin ang kare-release na album ni April Boy Regino para makatulong sa kanyang pangangailangan.
Maraming salamat sa Kapuso, na tinanggap muli sa kanyang pagbalik ang pamosong singer.
Show nina Daniel at Erich dapat nang ipalabas, baka malipasan na
Sayang naman si Daniel Matsunaga. Nanalo siya noon sa PBB at akala ay tuluy-tuloy na ang tagumpay. Subalit unti-unting nawawalan siya ng ingay magbuhat noong ma-inlove kay Erich Gonzales. Nagmistulang si Erich ang napagtuunan ng pansin. Bihira na siyang mapanood sa mga TV shows ng ABS-CBN.
Bagama’t meron silang magkasamang show na ginagawa, kailangan na nilang ipalabas dahil baka malipasan na.
Kate nag-iisang hindi takot sa dugo
Malaking pasasalamat ng baguhang si Kate Brios nang swertehing makuhang lead star sa pelikulang Maria Labo, istorya ng isang domestic helper na nasalinan ng dugong aswang ng kapwa helper na kababayan sa Dubai. First directorial job ni Roi Vinzon sa said movie na horror na dapat sana ngayong all saints day ipapalabas.
Si Kate lang ang nakapasa sa auditions dahil karamihan sa mga naimbitahang gumanap ay natatakot sa dugo. At kwento ni Kate, hindi siya natatakot dahil alam naman niyang acting lang ito. Isang singer si Kate at manager ng hotel at resort sa Bacolod.
Napahanga ni Kate si Direk Roi, dahil first time lang mag-artista, take one lang palagi siya. Maging si Jestoni Alarcon ay humanga sa beauty ng Pilipinang may Spanish blood from Negros.
Sa Nobyembre 11 ang showing ng Maria Labo at released ng Viva films. Tampok din sa cast sina Sam Pinto, Miggs Cuaderno at PJ Abellana.
MMFF dapat nang ipamahala sa mga taga-showbiz
May mga nagsa-sugest na sana ay mga taga-pelikula ang mamahala sa darating na MMFF para siguradong alam kung sino at alin ang dapat na piliing manalo sa awards night.
Imelda mas pinili ang pulitika kesa
sa concert sa Vegas
Maiiwan na ni Imelda Papin ang pagko-concert sa Las Vegas dahil tatakbo siyang kongresista sa Camarines Sur. Noon pa man, hilig na ni Mel ang sumali sa pulitika.
Sana huwag maging biktima ng PDAP ang mga artistang lalahok sa election next year. (VIR GONZALES)