Weddding day ngayong Friday ni Barbie Forteza, pero sa magandang eksena lamang iyan sa top rating afternoon prime na The Half-Sisters pagkatapos ng Eat Bulaga.
Ikakasal sila ng ka-love team na si Andre Paras, after more than a year na mag-sweetheart sila sa story.
May naramdaman ba si Barbie na for the first time ay ikakasal siya sa screen? Na-excite rin daw siya, kung ganoon daw ba ang feeling ng isang ikakasal?
Isang malaking church wedding preparation talaga ang ginawa ni Direk Mark Reyes at ng production, akala mo ay totoong kasalan, present ang buong cast: Jean Garcia, Jomari Yllana, Thea Tolentino, Ruru Madrid, Mel Martinez, Edwin Reyes at si Andre.
Scheduled nang matapos ang The Half Sisters sa January 8, 2016, kaya more than two months pa rin itong mapapanood at marami pang mangyayari sa mga characters ng soap.
Dahil buntis, Juday sa bahay na lang manonood ng Tamang Panahon
Gustung-gusto palang manood ni Judy Ann Santos-Agoncillo ng Eat Bulaga: Sa Tamang Panahon sa Philippine Arena bukas, October 24, pero mahirap daw dahil buntis siya, nakipag-bonding na lamang siya at ng mga anak na sina Lucho at Yohan sa rehearsal ng Dabarkads noong Monday since wala ring pasok ang dalawang bata dahil sa bagyong Lando.
Siyempre pa may dala siyang mga healthy sandwiches na gawa niya para sa mga Dabarkads, Team Bahay na raw lamang sila bukas.
Pilit ginugulo ang AlDub Aiza inimbentuhan ng Pagdating ng Panahon concert
Patuloy na may mga nagsisikap na guluhin ang Tamang Panahon dahil may mga kumakalat na fake tickets na ang picture ay kay Aiza Seguerra at ang title ng show ay Pagdating Ng Panahon.
Sana ay hindi rin totoo ang sabing may bumili ng maraming VIP tickets pero hindi naman gagamitin para makitang may bakanteng seats.
Sayang naman dahil ang daming naghahanap pa ng tickets pero wala na ngang mabili.
May mga fans namang very supportive kahit nasa abroad sila, like ang Tweet sa amin ng isang friend na member ng ALDUB MAIDEN MIDDLE EAST SHARJAH-AJMAN sa Dubai na may 200 members. Kahapon, 4:00 p.m., (8:00 pm dito sa atin) nag-offer sila ng Holy Mass sa Saint Michael Church para sa success ng Tamang Panahon bukas at sa lahat ng mga taong manonood, especially kina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub, JOWAPAO at sa buong Dabarkads. Ready na rin silang mag-deposit ng naipon nilang contributions para sa AlDub Library Project at naka-order na rin sila ng 200 units ng Wish I May album ni Alden sa GMA Records.