MANILA, Philippines – Hindi na na-confine si Allan K matapos isugod sa emergency room ng Medical City last Tuesday. May taping siya ng Vampire Ang Daddy Ko nu’ng araw na ‘yon.
Eh, sumakay siya sa isang Hovertrax na tinatawag. Ito ‘yung sinasakyan ng paa na may dalawang gulong. Kung hindi sanay ang gumagamit nito, semplang ang resulta.
‘Yun nga ang nangyari kay AK. Sumakay sa hover and suddenly, sumemplang at nabagok ang ulo. Hindi lang nasabi sa amin kung kasama sa eksena ang pagsakay niya ng Hovertrax, huh!
Ayaw kasi niya na natetengga nang matagal habang waiting sa next scene kaya si Allan, nagpapaka-busy sa sariling paraan!
Buti naman, walang problema sa ulo niya after ng kanyang city scan. Agad naman siyang pinauwi ng doctor at ayon sa text ni Allan sa amin, under observation pa siya. Wala siya sa Eat Bulaga kahapon.
Eh, malaking event ang episode sa Sabado ng EB sa Philippine Arena, kaya hindi dapat mawala si Allan sa espesyal na araw na ‘yon ng AlDub Nation!
Direktor na may ‘sabit,’ gustong balikan ang kaibigan
Nagpahaging ang isang director na gusto niyang siya ang magdirek sa pelikulang gagawin ng isang kaibigan. Ang director ang siyang naging instrumento upang kuminang ang career ng artista dahil swak na swak silang tandem.
Pero siyempre, kailangang ayusin muna ang ilang komplikasyon sa kontrata ng director. Mahirap nga naman sumabit kapag nasimulan na ang proyekto.
Aba, ‘pag natuloy, bonggang reunion ‘yon ng director ang kaibigang artista, huh!
Tom at Carla wala pa ring label ang relasyon
No boyfriend daw ngayon si Carla Abellana ayon sa tugon niya sa movie nilang No Boyfriend Since Birth. Pero aminado silang mahigit isang taon na silang exclusively dating.
“Lagi ko namang sinasabi na Tom is very special to me. Tom always says na I am very special to him. Palagi naming sinasabi na kung ano po ang gusto ninyong isipin, kung ano ang gusto ninyong itawag sa amin ay okey. Kayo po ang magbibigay ng level,” saad ni Carla.
“What you see is what you. When I say that she’s very special to me, I don’t mean to be wasting both our time! Being there siguro na, so whatever you guys are looking for, it’s up to you! “ sabi naman ni Tom.
Wala nga lang selebrasyon ng tinatawag na anniversary. “Sa tamang panahon!” sey ni Carla.
Bale ang NBSB ang next offering ng Regal after ng blockbuster hit na The PreNup. Ayon sa director nitong si Joey Reyes, first time niyang gagawa ng ganitong klase ng movie tungkol sa pag-ibig.
Kung si Carla talaga ang first choice sa role, at nahirapan silang kumuha ng tamang leading man niya, si Tom na talaga ang ipinasok nila sa role dahil alam niyang magic nang nabuo sa tambalan nilang dalawa!
Anyway, masaya namang ibinalita ni Mother Lily na extended pa sa 99 theaters ang The PreNup.