Nalungkot naman kami para kay Aljur Abrenica dahil ang pelikulang pagbibidahan sana niya sa Metro Manila Film Festival na Hermano Puli ay pinull-out na bilang isa sa walong official entries.
Ang naturang historical film na tungkol sa buhay ng 19th century religious leader na si Apolinario dela Cruz na ididirek ni Gil Portes ay hindi natuloy dahil sa kawalan ng budget.
“This is a sad day for me. I’ve exhausted all the possible investors for Hermano Puli. I’ll make it official by informing MMFF,” ayon pa kay Direk Gil noong nakaraang Lunes.
Ayon pa sa balita ay hindi natuloy ang mga dapat na maging investors ni Direk Gil para sa naturang project na ipo-produce ng kanyang Teamwork Productions.
Kabilang sa dapat na financier daw ng project ay si Quezon Province Governor David Suarez. Pero nag-withdraw daw ito sa project noong July pa.
Excited pa naman si Aljur dahil first time niyang magbida sa isang historical film. Dito na raw sana babawi ang aktor dahil sa nangyari sa kanyang career.
Balitang na-disappoint si Aljur nang makarating sa kanya na hindi na matutuloy ang project sa MMFF.
Kaya nagkaroon ng isang slot para mabuo ang walong entries.
Dalawa ang pinagpipilian. Ito ay ang Honor Thy Father ni Direk Erik Matti na bida si John Lloyd Cruz at ang Lakambini nila Direk Jeffrey Jeturian at Direk Ellen Ongkeko-Marfil na bida si Lovi Poe.
Miss World-Ph na si Hillarie pagtulong sa mga nabiktima ng Lando ang unang gagawin
Masayang napanalunan ni Hillarie Danille Parungao ang korona bilang Miss World Philippines noong nakaraang Linggo. Pero kasabay ng kanyang victory ay ang lungkot dahil sa dinaranas ngayon ng maraming biktima ng Typhoon Lando.
Taga-Nueva Vizcaya si Hillarie at noong gabing manalo siya ang siyang pagsalanta ng Typhoon Lando sa neighboring provinces ng Nueva Vizcaya na Nueva Ecija at Aurora.
“Nakakalungkot lang dahil marami akong mga kaibigan sa mga lugar na iyon especially in Aurora.
“I pray that they are all okay. Pero sa mga nakarating na sa aking mga balita, grabe raw ang nangyari sa Cabanatuan and Baler.
“Gusto ko sanang simulan ang lahat sa pagtulong sa kanila. Magkakaroon agad ang MWP ng pagbigay ng relief goods sa mga naging biktima ng Typhoon Lando,” diin pa ni Hillarie.
NBA player Lamar Odom bumuti na ang lagay pero ipapasok sa rehab
Bumubuti na ang lagay ng former NBA player at estranged husband ni Khloe Kardashian na si Lamar Odom pagkatapos itong itakbo sa ospital dahil natagpuang unconscious ito sa isang brothel sa Las Vegas.
Improving na raw ang health ng 35-year old athlete pero kailangan daw nito ng rehab sa mga susunod na buwan.
Naigagalaw na ni Lamar ang kanyang mga arms and legs at nakakahinga na ito ng maayos.
“A CT scan came back clean, but there may be some cognitive issues ahead. Though Lamar is still on dialysis due to kidney failure, he is showing signs of improvement. He passed a swallowing test, a promising sign of neurological function, and has communicated using hand signals. Additionally, he is no longer wearing an oxygen mask and is doing great with his breathing,” ayon pa sa isang hospital source.
Wala pa ring binibigay na statement ang estranged wife ni Lamar na si Khloe na mabilis na pumunta sa Sunrise Hospital and Medical Center in Las Vegas.
Natulog ito sa kuwarto ni Lamar at hindi ito umaalis sa tabi ng dating mister.
Ayon sa isang source: “She goes everywhere with him. If Lamar leaves the room for testing, she follows.
“When Lamar woke up from a coma last Friday, Khloe was there and was saying, ‘Hey, baby’ and ‘Good morning’”