May namumuo nga bang balik-romansa kina Sam Concepcion and his immediate ex-girlfriend, si Jasmine Curtis-Smith?
They will team-up together in an upcoming theater play. Ang sabi pa, mismong si Jasmine ang nag-request sa kanilang producer na si Sam ang kuning leading man niya.
Busy year ang taong 2015 para kay Sam, since nasa upcoming series din siya na You’re My Home, co-starring him with the iconic team-up nina Richard Gomez at Dawn Zulueta.
Kasama rin sa You’re My Home, which is a production of Star Creatives, headed by Malou Santos, sina Jessy Mendiola at JC de Vera.
Sam, as of the moment, is the highest pointer among the celebrity participants in the second season of Your Face Sounds Familiar.
Miho ng PBB maraming pinaiyak
Lima na lang sa mga original boarders ni Kuya sa on-going Pinoy Big Brother (PBB) 737, ang natitira sa kanyang bahay. Ito’y sina Miho, Dawn, Zeuz, Tommy, at Roger.
Actually, kung hindi ibinalik ni Kuya ang teenage big four, na sina Bailey, Ylona, Franco, at Jimboy sa kanyang bahay, I doubt if the show will still be as interesting.
Talagang genius ang mga tauhan behind the production of PBB.
Pinaka-highlight sa akin sa lahat ng eksena in PBB 737 ang recent pagbisita ng maliit pang anak na babae ni Miho. Lalo pa nga at damang-dama ng manonood ang closeness between mother and daughter.
Through her daughter, napatunayan ni Miho na mabait at magaling siyang ina.
Heart-tugging ang eksenang kinailangan nang umalis ng bata, dahil limited lang ang oras na itinakda ni Kuya ng kanyang pamalagi sa kanyang bahay.
Samantala, hintayin natin ang nalalapit nang pag-evict sa isa pang natitirang limang housemates, para ma-determine na kung sino ang mananalong Big Four.
Sinu-sino nga kaya ang maging equivalent to the Big Four ng mga teenagers na sina Bailey, Ylona, Jimboy, at Franco?
Abangan.
Liza nangangarap ng buong pamilya
For Christmas this year, wish ni Liza Soberano ang magkaroon ng perfect Christmas. ‘Yun bang kumpleto ang pamilya, susog pa niya.
Which she herself doubts will happen. Matagal na kasing hiwalay ang kanyang parents. Her American mom is based abroad with her new family. Na-meet niya ang mga ito, when she traveled abroad last time.
She and a brother naman live in the Philippines with their Dad.
Pangarap daw ni Liza ang makapagpatayo ng dalawang bahay.
One for her Dad and another one for her Mom, whom, she said, she will encourage na dito na manirahan, kahit pansamantala man lang.
Iyan daw ang dahilan kung bakit kayod-marino sa pagtatrabaho si Liza, who is currently busy promoting her soon-to-be released movie. Everyday I Love You, with Enrique Gil at Gerald Anderson.
Balak niya ring magkaroon ng sariling condo unit.
Liza turns exactly 18 years old in January next year.
Toni excited sa bagong achievement ni Direk Paul
Toni Gonzaga is as excited as husband Direk Paul Soriano, dahil isa sa limang Filipino films na napili para sa Hawaii International Filmfest, na gaganapin sa Honolulu from November 12 to 22 ay ang Kid Kulafu.
Isang sports biopic ang Kid Kulafu, which Direk Paul also produced. Tungkol ang pelikula sa kabataan ng ngayo’y kilalang boksingero sa buong mundo na si Manny Pacquiao.
Ang teenage actor na si Buboy Villar ang gumanap sa title role.
The four other films chosen include the historic film, directed by Jerrold Tarog, Heneral Luna; Magkakabaung (Jason Paul Laxamana), Violator (Dodo Dayao), at Honor Thy Father (Erik Matti).