Now that they are teamed up anew in the upcoming Star Cinema presentation, Everyday I Love You, patutunayan daw nina Enrique Gil at Liza Soberano na may forever talaga.
On the set of the movie, ang sweetness sa isa’t isa, lalo’t off-camera, ay evident.
Halatang may kakaibang kilig na nararamdaman ni Liza, tuwing ibinubulong sa kanya ni Enrique ang title ng kanilang movie, Everyday I Love You.
Aliw na aliw tuloy si Gerald Anderson, who is in the movie, too, habang pinanonood ang dalawa. Yes, off-camera.
May naalaala kaya si Gerald?
Everyday…, directed by Mae Cruz-Alviar, who has several blockbuster films to her name, opens in theaters nationwide on October 28.
Stars at starlets makikipag-rambulan sa 2016
Lalong nawalan ng pag-asa na magkakaroon pa ng movie o soap si Sharon Cuneta ngayong naghain na ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) ang kanyang husband na si former Senator Kiko Pangilinan.
Senator Kiko, who resigned from his job bilang isa sa mga cabinet members ng administration ni P-Noy, is running anew bilang Senador, with Sharon’s blessings. Kaya, inaasahan na personal niyang ikakampanya ang asawa.
Batangas Governor Vilma Santos, on the other hand, who is running this time for Lipa City Congresswoman, promises to finish her movie, Star Cinema’s All Of My Life kung saan makakasama niya si Angel Locsin and Xian Lim, before doing the campaign trail full-time.
In her family, it’s actually not just Ate Vi who is running for re-election. Husband Senator Ralph Recto is running anew for the same position.
Wonder if, too, Ate Vi will, likewise, campaign for ex-husband, Edu Manzano, who is also running for Senator.
Ngayon, ito ang ilan sa mga stars at starlet na tatakbo para sa public office sa halalan 2016. Richard Gomez, Alfred Vargas, Alma Moreno, Roderick Paulate, Lou Veloso, Joseph Estrada, Herbert Bautista, Isko Moreno, Lucy Torres-Gomez, Angelica Jones, Roselle Nava, Manny Pacquiao, Imelda Papin, Liz Alindogan, Andrea del Rosario, Lani Mercado, her son, Jolo Revilla, Jeremy Marquez, Vandolph, Yul Servo, Jhong Hilario and brothers Anjo and Jomari Yllana, among others.
Gary nagsalita na tungkol sa alitan nila ni Gab
Itinanggi ni Gary Valenciano na may hindi pagkakaunawaan na namamagitan sa kanila ng kanyang anak na si Gab Valenciano, now a resident of Hollywood and doing well as a choreographer.
Ang inamin niya ay ang disappointment na diumano’y naramdaman ng anak, since hindi well appreciated ng kanyang mga kapwa Pilipino ang kanyang talent.
Meanwhile, Gary’s elder son, Paolo (Valenciano) is in demand for concerts bilang director.
Gary, on the other hand, remains to date, as one of the most admired singers in the land.
Ang kanyang mga concert ay patuloy na tinatangkilik ng manonood. Actually, kahit abroad, tinatangkilik pa rin ng kapwa Pinoy ang concerts ni Gary.
These days though, what only keeps Gary busy is being a juror, together with Sharon Cuneta and Jed Madela, of the current popular second season ng Your Face Sounds Familiar.
Sila-sila rin ang jurors ng YFSF sa naunang season nito, kung saan host pa rin si Billy Crawford.
Charo Santos, 400 ang bisita sa 60th birthday
Isa sa happenings sa showbiz na dapat abangan ay ang 60th birthday ng ABS-CBN’s president and CEO’s Charo Santos-Concio on October 28.
An advance birthday party will be held in her honor on October 20 at a five-star hotel.
Inaasahan ang pagdalo ng more than 400 guests invited to the grand celebration.