MANILA, Philippines – Inaamin ni Kris Bernal na kinabahan siya noong makaharap niya si Superstar Nora Aunor sa bagong serye ng Kapuso network na Little Mommy. Malaki ang pasasalamat niya sa GMA 7 dahil malalaking artista tulad ni manoy Eddie Garcia at Sunshine Dizon mga suporta ng istoryang dinirehe ni Ricky Davao.
Maging si Direk Ricky nga kabado rin sa pagdirehe sa dalawang screen giant na sina Guy at Manoy.
Sabi ni Kris, hindi lahat ng artista ay pwedeng makasama si Little Nanay Nora. Pinupuri si Kris ng mga kaibigan at mga kamag-anak niya dahil nakasama nito si Guy.
Matulungin ang superstar, kapag napapansing kinakabahan ang baguhang katulad ni Kris ay sinusuportahan niya ito kaagad.
Maawain din si Kris, sa isang reality show, nauuna pa siyang naiiyak sa mga contestant na natsutsugi sa show, naranasan din ni Kris ang sumali doon sa Starstruck, kaya’t feel na feel niya kapag may matatanggal.
Sabi na lang daw niya, always think positive sa mga sumasali, at magdasal.
Jestoni nakagat ng aswang
Mapapasigaw ka sa set ng pelikulang Maria Labo ng Kib Production. First time ni Direk Roi Vinzon na magdirek ng horror film at gusto nitong maperpekto ang kanyang trabaho.
Ang ipinakilalang baguhang bida ay si Kate Brios, isang Hotel Manager na taga-Bacolod City at nakumbinseng pasukin ang showbiz. Maganda ang boses ni Kate, malaki ang potensyal magkapangalan sa pelikula.
Nasigawan ni Direk Roi si Kate dahil ‘yung kissing scene nila ng kaparehang si Jestoni Alarcon ay hindi maperpekto.
Policeman ang role ni Jestoni sa istorya. OFW naman dito si Kate na nasalinan ng pagka-aswang noong magtrabaho sa Dubai. Domestic helper doon si Maria Labo (Kate).
Ninenerbyos daw si Kate sa kissing scene nila ni Jestoni dahil first time lang itong gumanap sa movie. Akala raw niya daya lang pero totohanan pala. Nasermonan tuloy lalo si Kate, paano daw dadayain ang halikan, e mag-asawa sila. Nagkatawanan na lang sa set pagkatapos ng halikang iyon. May nagtatanong tuloy, baka crush ni Kate si Jess. Edi wow! Walang masama tao lang.
Manager sa isang hotel sa Bacolod si Kate at magaling ang PR. Kahit ngayon lang siya nakikiharap, akala mo matagal na kayong magkakilala. Anak niya dito ang premyadong child star na si Migs Cuaderno. Hanga si Kate, magaling daw talaga umarte si Migs at napakabait na anak. Viva films ang may hawak ng promo ng Maria Labo. Kaya’t nakakatiyak na walang hokus pokus kapag ipapalabas na sa November 2.
Ang Maria Labo ay istorya tungkol sa aswang na kilala sa buong Bisaya at Mindanao.
Good Luck, sana maging tagumpay pagpasok mo sa showbiz, Kate.
MMFF dapat mga taga-showbiz ang humawak
Sana raw yung hahawak ng darating na Metro Manila Film Festival (MMFF) ay isang taga-showbiz talaga.
Dapat kilala ang lahat ng mga taong involved sa industriya at hindi huhulaan lang kung sino ba dapat manalo kapag awards night na. (VIR GONZALES)