^

Pang Movies

May LQ? Sarah ayaw pag-usapan si Matteo!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Although alam daw ni Sarah Geronimo na gustung-gusto ng kanyang fans at followers na makita siyang muli sa isang pelikula, since her last flick, The Break-Up Playlist, her first team-up with Piolo Pascual, a blockbuster, was released in July pa this year, she has yet to hear words from Viva and Star Cinema, kung anong susunod niyang pelikula.

Kaya, these days, focused muna daw ang kanyang atensiyon sa kanyang upcoming concert, titled From The Top, at the Araneta Coliseum on December 4. Paolo Valenciano will direct it at si Louie Ignacio naman ang musical director.

At the recent celebration for its 10th anniversary ng Michaela, a fashion house, which specializes in the bags, apparels, accessories, shoes, pouches and umbrellas, na kasalukuyang ini-endorso ni Sarah, entertainment writers who interviewed her noticed na ayaw niyang mag-entertain ng mga tanong na may kinalaman sa kanyang boyfriend na si Matteo Guidecilli.

What gives, Sarah?

KZ Tandingan ibinukong niligawan siya ni Matteo

Speaking of Matteo, singer KZ Tandingan denies na niligawan siya ng binata. Although, there was a time daw na close as can be silang dalawa.

Natatawa, ni-narrate ni KZ kay Boy Abunda in the latter’s show, Tonight with Boy Abunda, how, at one time, binanggit niya kay Matteo, na in an interview, she was asked kung nanliligaw sa kanya si Matteo.

Kaagad, tanong daw ni Matteo sa kanya: “Anong sinagot mo?”

Na sinagot daw niya kay Matteo ng Oo.

Ang naging reaction daw ni Matteo sa sinabi niya: “Hindi ha!”

Napikon, ang balik sagot daw niya kay Matteo na, “kung hindi, edi hindi!”

Pero umamin si KZ na there was a time na araw-araw talaga silang nag-uusap ni Matteo.

KZ is now, of course, happily in love with a guy named Troy. First serious boyfriend daw niya si Troy.

KZ considers ang pagiging participant niya sa trending and high rating second season ng The Face Sounds Familiar another feather to her cap.

Edu inaabangan kung saang partido sasanib!

True nga kayang walang idea si Luis Manzano sa pagtakbo ng amang si Edu Manzano for public office sa 2016?

Now Luis of course knows na tatakbo for Senator ang kanyang ama. Hindi pa nga lang tiyak kung kaninong partido siya sasanib.

In the meantime, his stepdad, Senator Ralph Recto is running for re-election under the Liberal Party.

Done deal na rin ang pagtakbo ng kanyang Mommy, Batangas Governor Vilma Santos-Recto, for Congressman of the lone district ng Lipa City, kung saan siya naging mayor ng tatlong termino.

It was when Ate Vi was Mayor of Lipa nang ideklara itong city.

Pangatlong term na as Governor ng Batangas for Ate Vi. Kaya, hindi na siya pwedeng kumandidatong muli sa nasabing position.

Vandolph sinagot ni Dolphy sa panaginip

First and foremost a Mom ang drama ni Alma Moreno sa anak na si Vandolph, when she accompanied him nang mag-file ito ng COC (Certificate of Candidacy) last Friday.

Kakandidatong Konsehal ng Parañaque City si Vandolph. Ito ang position na hinawakan ni Alma ng tatlong termino.

Alma, on the other hand, ay nakapag-file na ng sariling COC for Senator under the UNA Party, kung saan standard bearer for President si Vice President Jojo Binay.

Mother and son revealed they asked for a sign from Dolphy, regarding Vandolph’s decision to run for the said public office.

As is common knowledge, in his lifetime, maraming partidong umengganyo sa the late Comedy King to run for any public office.

But always, ang sagot niya, kapag nanalo siya, ano ang kanyang gagawin? Wala raw siyang alam sa pulitika paulit-ulit na sabi ni Dolphy noon.

In Vandolph’s case, positive raw ang kasagutang natanggap niya sa ama, nang mapanaginipan niya ito.

Well, good luck, Vandolph. And Alma, too.

ACIRC

ALMA MORENO

ANG

ARANETA COLISEUM

ATE VI

BATANGAS GOVERNOR VILMA SANTOS-RECTO

BOY ABUNDA

DOLPHY

MATTEO

NIYA

VANDOLPH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with