Wala na ngang makakapagpigil pa sa former Viva Hot Babes na si Andrea del Rosario sa kanyang pagtakbo bilang vice mayor ng Calatagan, Batangas.
Nag-file ng kanyang COC (Certificate of Candidacy) noong nakaraang Martes si Andrea at nasa ilalim siya ng Nationalista Party.
Noong nakaraang eleksyon pa raw siyang inalok na tumakbo for Vice Mayor pero tumanggi muna si Andrea dahil baby pa ang anak niyang si Bea that time at kailangan ng atensyon dahil sa mga naging sakit nito.
Ngayon ay malaki na ang anak ni Andrea, puwede na raw niyang i-pursue ang matagal na niyang dream na makapag-serve sa bayan ng kanyang yumaong ama.
“Pinag-isipan ko ito ng husto and tamang panahon na.
“Since last year pa ako nag-iikot sa Calatagan, alam ko ang mga problema na kailangan bigyan ng solusyon,” diin pa ni Andrea.
Dahil sa pagtakbo ni Andrea, marami na raw siyang tinanggihan na mga trabaho sa TV at pelikula. Gusto raw niyang mag-concentrate sa kanyang campaign at ipakita na seryoso siya sa kanyang pinasok na bagong mundo.
Aubrey Miles nagpabayad kay Troy para maghubad?!
Maraming hindi makapaniwala na may teenager nang anak si Aubrey Miles.
Oo at 14 years old na ang panganay ni Aubrey na si Maurie, anak niya sa ex-boyfriend na si JP Obligacion. Samantalang 7-years old naman ang anak nila ni Troy Montero na si Hunter.
Pero kung titingnan ang katawan ng former sexy star, mukhang hindi ito nanganak ng dalawang bata. Hot mama nga ang tawag sa kanya.
Masipag kasi si Aubrey na mag-exercise at mag-diet kaya hindi nalosyang ang katawan niya.
Kinatutuwa pa ni Aubrey na hanggang ngayon ay nakakasama pa rin siya sa 100 Sexiest Women ng FHM Philippines kahit na may dalawang anak siya.
“Actually, since 2003 ay hindi ako nawala sa 100 Sexiest. 12 years straight akong nakakasama which is a big deal for me. Kahit na noong buntis ako kay Hunter, sinama pa rin nila ako sa list.
“Kaya everything really paid off sa sipag kong mag-workout,” ngiti pa niya.
Nagbabalik sa paggawa ng pelikula si Aubrey via the Metro Manila Film Festival official entry na Nilalang kunsaan bida sina Cesar Montano at Maria Ozawa.
Nine years na hindi gumawa ng pelikula si Aubrey kaya nanibago raw siya sa set ng pelikula.
Ang longtime partner niyang si Troy Montero ang nag-convince sa kanya na tanggapin ang guest role sa Nilalang.
Isa si Troy sa executive producer ng Nilalang.
Natuwa nga si Aubrey dahil may talent fee siya sa paggawa ng pelikula. Pinagmalaki pa ni Aubrey ang check na may pirma ni Troy.
Donald Trump sinumpa at tinawag na ‘asshole’ ng singer na si Julio Iglesias
Dahil sa mga sinabing hindi magaganda ni U.S presidential hopeful Donald Trump tungkol sa mga immigrants, kabilang ang Spanish singing legend na si Julio Iglesias sa nagpahayag na hindi na ito magpe-perform sa mga casinos ni Trump.
Sa isang interview ni Iglesias, sinabi nito na nadismaya siya sa mga anti-immigrant comments ni Trump.
“I have sung many times in his casinos, but I won’t do it again. He seems to be an asshole!” sey pa ni Iglesias sa Barcelona-based daily newspaper La Vanguardia.
“He thinks he can fix the world forgetting what immigrants have done for his country. He is a clown! And my apologies to clowns.”
Ilang organizations ang tinapos na ang kanilang pakikipag-ugnayan kay Trump dahil sa kanyang racist comments sa mga immigrant.
Kabilang na rin dito ang Spanish-American celebrity chef Jose Andres na nag-backout sa pagtrabaho sa flagship restaurant ng bagong hotel ni Trump.
Ayon sa nilabas na poll ng Washington Post/ABC News, 82 percent of Hispanics ay hindi pabor kay Trump.