^

Pang Movies

Yaya Dub naglinis ng inidoro para kay Alden

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Buhay na buhay ang night life sa Vigan City tuwing weekends dahil dalawang bars ang a­ming napuntahan the night before bumalik kami ng Maynila. Ang sikat na bars doon ay ang Lyric at Legacy Club.

Magkaiba nga lang ng crowd ang dalawang bars. Kung masa ang dating ng Lyric, mas high-end naman ang Legacy Club. Ito rin daw ang madalas pasyalan ng Ilocos Sur governor na si Ryan Singson, anak ni Gov. Chavit Singson.

Updated sa music ang Legacy Bar. Karamihan nga lang na upbeat music na pinatugtog ng DJ ay ginagamit sa kalyeserye ng Eat Bulaga gaya ng Dessert at iba pa. Waley nga lang ‘yung Mambo No. 5 na sinasayaw ni Lola Tinidora na si Jose Manalo, huh!

Anyway, waley pa sa kalyeserye si Alden Richards kahapon dahil nu’ng umaga pa lang ng Lunes siya pabalik ng Maynila. Kaya hindi niya napanood ang bago nilang TV commercial nila ni Yaya Dub (Maine Mendoza) para sa isang toilet cleaner.

Angel nag-effort dumayo sa COMELEC para sa kanyang tito

Binigyang-linaw ni Angel Locsin ang presence niya kahapon sa COMELEC kasama si Party List Representative Neri Colmenares na nag-file ng certificate of candidacy bilang senador.

Sa pahayag ni Gel sa media, Colmenares ang middle initial niya at pamangkin siya ng mambabatas.

Eh, alam naman ng lahat na makapamilya si Angel. Mas una nga niyang susuportahan ang kamag-anak kesa sa ibang kandidato, huh! Kaya ‘wag isipin na may datung na involved sa pagsuporta niya kay Rep. Colmenares, huh!

Anyway, umiral ang pagiging likas na matulungin ng aktres nang mamatay ang colum­nist dito sa PM (Pang-Masa) at PSN (Pilipino Star NGAYON) na si Emmy Abuan. Nabalitaan naming malaking halaga ang kanyang ibi­nigay upang makatulong sa pambayad sa pu­nerarya, huh!

Comelec nagmukhang sirkus sa rami ng nag-file ng COC

Speaking of candidates, fiesta ang atmosphere sa COMELEC Intramuros kahapon sa rami ng nag-file ng candidacy bilang Presidente, huh!

May housewife, tricycle driver, estudyante, at iba pang unknown personalities. Tanging si VP Jojo Binay ang kilala sa nag-file ng COC kasama ang VP tandem niyang si Sen. Gringo Honasan!

May nag-report nga sa news radio na matapos mag-file ng COC ang ilang presidentiables, may parte ng COMELEC na may media briefing ang nagpa-file, may name man o wala. Hangad daw ng nag-file na kandidato na ma-interview ng media. ‘Yun nga lang, hindi ‘yon natikman ng ilang kandidato dahil nagkaroon ng biglang announcement si COMELEC Chairman Andy Bautista.

Siyempre pa, hinihintay ng media at ng lahat ang fi­ling ng certificate of candidacy ng leading Presidentiable na si Sen. Grace Poe at ni Sec. Mar Roxas.

Dahil sa ang pagtanggap lang ng COMELEC sa COC ang trabaho nila ngayon hanggang sa Friday, saka na lang sila magdedesisyon kung sino sa kanila ang matatawag na nuisance candidates!

Sa presence ng unknowns na ito, tunay nga na sirko ang ambience sa COMELEC!

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

ANGEL LOCSIN

CHAIRMAN ANDY BAUTISTA

CHAVIT SINGSON

COLMENARES

COMELEC

EAT BULAGA

EMMY ABUAN

LEGACY CLUB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with