Napuno ng tilian at palakpakan ang Sta. Rosa City Auditorium in Sta, Rosa, Laguna noong Linggo ng gabi, October 11, nang lumabas sa stage sina Maine Mendoza aka Yaya Dub at Wally Bayola aka Lola Nidora na in character sila pareho.
Naka-dress si Yaya Dub pero may apron siya tulad ng isinusuot niya sa kalyeserye ng Eat Bulaga, at si Wally, iyong usual na isinusuot nilang damit ng mga kapatid niyang sina Lola Tidora (Paulo Ballesteros) at Lola Tinidora (Jose Manalo). Kasama nila ang mga Rogelio’s, ang mga bodyguard ni Lola. Nandoon sila para tanggapin ang Achievement at Inspirational Awards mula sa bagong tatag na Catholic Social Media Awards na nabuo pagkatapos ng 4th convention ng church-based organization Youth Pinoy at ng Areopagus Communications, Inc. Ang award ay para sa kalyeserye ng Eat Bulaga na nagbibigay ng importance to promote Christian family values and virtues.
Binigyan ng awards sina Alden Richards (na nasa Japan nang oras na iyon para sa 10th anniversary ng GMA Pinoy TV), Maine Mendoza, Lola Nidora, ang TAPE, Inc. na siyang producer ng Eat Bulaga represented by the writer Jenny Ferre na sabi ni Wally ay siyang pasimuno ng lahat sa kalyeserye. Tilian na naman nang magsalita si Yaya Dub sa sarili niyang boses ng “AlDub You.” Mahal ko kayong lahat.” “Para po sa inyong lahat ito.”
Si Lola Nidora na ang nagpatuloy ng sasabihin niya na patuloy pa raw magbibigay ng daan ang kalyeserye upang makapagbahagi ng tamang asal, pagmamahal sa kapwa, at pagmamahal sa Diyos.
Si Maine ang tumanggap ng award for Alden na ibibigay niya pagbalik nito sa Eat Bulaga bukas.
Binigyan din ng recognition ang fans nina Alden at Maine, ang Aldub Nation dahil sa pagtulong nila sa pagpapalaganap ng values online through inspirational posts and tweets. Ikinagulat naman ito ng AlDub Nation dahil hindi nila ine-expect na bibigyan din sila ng award.
Kaya ngayon, tiyak na lalong magsisikap ang AlDub Nation na matuto silang magpakumbaba kahit may naninira o nangba-bash sa kanila sa social media.
Tinutupad daw nila ang payo sa kanila nina Alden at Maine na “promote peace not war” sa ibang fans ng mga artista. Congratulations sa inyong lahat!
Lovi kinakabahang ‘di makagala
Extended ng ilang weeks ang primetime drama series na Beautiful Strangers kaya medyo may problema si Lovi Poe.
She’s hoping na matapos nila ang taping nito bago sila umalis ng mommy niya papuntang Europe.
Birthday kasi ng mommy niya tomorrow, October 14, pero naka-schedule silang umalis ng November 29 until December 8. Nai-promise raw niya sa mommy niya na dadalhin niya ang ina sa Vatican City na last year ay pinuntahan nila ng boyfriend na si Rocco Nacino at doon, itinuring niyang miracle ang nakita niyang isang beautiful lady sa loob ng chapel. Kaya gusto niyang makabalik muli roon at isasama niya ang mommy niya.
Pareho silang busy ni Rocco sa taping ng Beautiful Strangers kahit busy rin sila sa kani-kanilang itinayong restaurants. Si Rocco ang Rufo’s Tapas at siya naman ay ang Cable Car restaurant na may bago nang branch sa Ortigas Center, at the back of Marco Polo Hotel.
Natanong namin si Lovi kung susuportahan niya ang Ate Grace Poe niya, naroon daw lamang siya kung kailangan siya.