Isa na namang Pinay ang gumagawa ng ingay sa isang talent search competition sa ibang bansa.
Ito ay si Kris Algelyn Bytautas, isang factory worker sa bansang Lithuania.
Nag-audition ang 23-year old Pinay sa X Faktorius, ang Lithuanian franchise ng popular talent search na The X Factor.
Fluent Luthuanian kung magsalita si Kris, pero pinakilala niya ang sarili niya sa mga judges as “Filipino”.
Naging audition piece ni Kris ang hit song ni Adele na Someone Like You.
Pagkatapos ng kanyang performance, nakakuha siya ng tatlong “yes” votes mula sa judges.
Tubong Santa Cruz, Laguna si Kris at nakapangasawa ito ng isang taga-Lithuania.
Mapapanood ang audition video ni Kris over YouTube.
Laging litaw ang talent ng mga Pinoy pagdating sa pag-awit at napapahanga natin ang mga kahit na sino, maging ang mga hurado sa mga talent search abroad.
Kasama rito ay sina Jessica Sanchez na naging 1st runner-up sa 11th season ng American Idol; Rose Fostanes, grand winner of X Factor Israel; Marlisa Punzalan, grand winner of X Factor Australia; and El Gamma Penumbra, first ever grand winner of Asia’s Got Talent.
Kasalukuyang pinapahanga naman ng 4th Power at ni Neneth Lyons ang judges at audience ng The X Factor UK.
Gayun din ang Filipino-Australian na si Cyrus Villanueva na kilalang-kilala na dahil sa kanyang pagsali sa The X Factor Australia.
Kaysa beauty pageants Indie actress na si Althea Vega kinakarir ang pagsali sa pagandahan ng katawan
Hinahanda ng indie film actress na si Althea Vega ang kanyang sarili para sa pagsali sa taunang Mr. and Ms. Great Bodies 2015 ng Slimmers World International.
Magaganap ito sa November 21 sa Newport Performing Arts Theatre at Resorts World Manila.
Hindi na bago kay Althea ang sumali sa ganitong mga competitions. Noong teenager pa lang daw siya sa kanilang probinsya, mahilig siyang sumali sa mga beauty contests.
“Sumasali ako sa mga beauty pageants sa Cagayan at Pangasinan. Masuwerte naman na napapanalunan ko ang korona.
“Joining Great Bodies is a different challenge for me. Although health buff naman ako, iba ang ganitong klaseng body competition compared sa mga beauty pageants.
“Pagandahan ng porma ng katawan dito, eh. Makikita kung gaano mo naalagaan ang pangangatawan mo through exercise and diet.
“I feel na ready na ako sa ganitong klaseng competition,” pagmamalaki pa niya.
Palarin man o hindi si Althea, may babalikan pa rin naman siya sa mundo ng pag-arte.
Nakilala na siya sa mga ginawa niyang mga indie films tulad ng Amor Y Muerte, Diablo, Bayang Magiliw, Of Sinners and Saints at ang critically-acclaimed na Metro Manila.
Katatapos lang niyang i-shoot ang indie film na Pipamlayungan (Playground).
Pinasok na rin ni Althea ang pag-produce tulad na lang ng short film titled Walang Alamat.
Hollywood actor na si Shia LaBeouf inaresto na naman dahil sa matinding kalasingan!
Inaresto na naman ang Hollywood actor na si Shia LaBeouf.
Hinuli ang aktor noong nakaraang Biyernes ng gabi sa Austin, Texas kunsaan kinasuhan siya for public intoxication.
Ayon sa Austin Police Department, nasa kanilang town ang aktor para sa Austin City Limits music festival. May nag-report na nagtatatakbo ito sa kalsada at nag-jaywalk.
Binigyan na siya ng warning ng mga pulis pero hindi ito nakinig at inulit pa niya ang pag-jaywalk.
Hinuli na nila ito at nalaman nilang intoxicated ang aktor. Dinala nila ito sa presinto at kinunan na ng mugshot.
Hindi ito ang unang beses na inaresto si Shia for public intoxication. Ginawa niya ito sa New York noong manggulo siya sa pagtatanghal ng Broadway musical na Cabaret.
Sa Germany naman ay nakipag-away siya sa kanyang ex-girlfriend na si Mia Goth sa kalsada.
Inamin ng aktor na dumadaan siya sa isang “existential crisis”.