Ini-reveal ni Kris Aquino sa kanyang Instagram post na may meeting sana siya with Star Cinema last Thursday night kasama ang kanyang mga kapatid na babae para makipag-ayos at mag-apologize sa ginawa niyang pagba-back-out sa All You Need is Pag-ibig na movie nila ni Herbert Bautista pero na-cancel na raw ito at sinabihan siyang hindi na kailangang mag-usap.
“My sisters & brother in law were ready to accompany me Thursday night to mend fences w/ Star Cinema, but late afternoon I was told the meeting was cancelled & there was no longer any need to talk. My family understood that it was unresolved personal issues w/ the chosen leading man that made me so indecisive & we as a family were ready to apologize, talk & hopefully work things out- sadly the door was closed,” post ni Kris.
Malinaw sa statement na ito ni Kris na nagkaroon siya ng apprehension na gawin ang pelikula ay dahil sa unresolved personal issues nila ni Bistek gayung ang unang dahilang sinabi niya few days ago ay dahil hindi pumuwede ang ni-request niyang cinematographer.
Mahaba ang IG post ni Kris at marami siyang bagay na nilinaw. Isa na rito ay ang pagtanggi niya na siya ang nagsabi kay Bistek na tumakbo na lang ulit itong Mayor sa Quezon City sa 2016 elections.
Apparently, si Bistek mismo ang nagsabi nito sa isang panayam kaya sinagot ito ni Kris sa kanyang IG.
“Wala po akong influence in HB’s decision making. I NEVER ASKED HIM TO SEEK A 3RD TERM AS QUEZON CITY MAYOR. I have no influence on him & he has never given value to my feelings nor my thoughts,” paglilinaw ni Tetay.
Sinabi rin niyang it was so stupid of her na gumawa ng isang bagay na ikasisira ng relasyon niya sa Star Cinema.
“It is because of our TUMULTUOUS RELATIONS that I was stupid enough to bite the hand that feeds me... I was so apprehensive about shooting MMFF w/ him that I posted my misguided feelings of hurt & directed them towards Star Cinema. And because of my impulsive move I put in jeopardy what has been almost 20 years of a solid working relationship with ABS-CBN,” say niya.
Inamin niyang nagkamali siya at ito’y isang leksyon for her.
“I apologized to Noy profusely because I love him, and even when there’s nothing left- I know I will still have the love of my siblings. I humbly accept that the wrong choice of my heart has put into peril my work- but I am to blame for this. Hindi ko pinasa sa iba yung desisyon na ako naman mismo ang gumawa,” post pa ni Kris.
Well, ano kaya ang masasabi ni Bistek tungkol dito?
Attention Billy! Neil may ‘unfinished business’ kay Coleen
Ayon kay Neil Coleta, masaya siya sa kasikatan ngayon ni Coleen Garcia na kasabay niyang nagsimula sa showbiz.
Sa mga hindi nakakaalam, unang na-discover ang dalawa sa Nestea commercial na kung saan ay silang dalawa ang magkapareha. Nag-hit talaga ang nasabing TVC kaya nga sila nabigyan ng break sa TV.
Kung tutuusin ay sina Neil at Coleen ang masasabing unang magka-loveteam talaga. Kinuha sila ng ABS-CBN at may gagawin sana silang seryeng magkasama pero hindi pumayag ang Nestea dahil nga may commercial pa silang ilalabas.
“Kasi sa Nestea, ang kwento, hindi kami nagkikita, ‘di ba? So, parang may plano pa ang Nestea, baka raw ma-preempt,” kwento ni Neil nang makakuwentuhan namin last Friday night.
If given the chance, gusto niyang magkasama sila ulit ni Coleen.
“Oo naman, maganda naman si Coleen, sexy pa,” natatawa niyang sambit.
Kasama si Neil sa pelikulang The PreNup na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Sam Milby na showing na ngayong October 14.
Ginagampanan niya sa movie ay bading na kapatid ni Sam at say niya, sobrang nakakatawa ang movie.
“Solid talaga, grabe, sobrang nakakatawa. Nagda-dub nga ako nung isang araw, tawa ako nang tawa sa pinaggagawa namin sa movie,” he said.