Kasalukuyan nang napapanood ang entries na 2nd Quezon City Pink International Film Festival na pormal na nagsimula noong October 6 sa Gateway Mall sa Cubao, Quezon City at magtatapos sa Linggo, October 11.
Hindi nakadalo sina Quezon City Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte dahil may emergency meeting daw ang Liberal Party, kaya si QC Councilor Mayen Juico ang tumanggap sa mga delegates ng iba’t ibang bansa na kalahok sa festival: United States of Amerika, United Kingdom at ilang Asian countries, sa tulong ni Festival Director Nick Deocampo. Nagbigay din ng welcome message si MTRCB Toto Villareal at iba pang representatives from different countries na kasali sa festival.
Mapapanood ngayong Huwebes ang Grace tungkol sa isang Pilipina na nagpunta at nagtrabaho sa Israel 20 years ago, nagka-asawa ng isang Israeli, nagkaroon ng tatlong anak na lalaki, saka niya nadiskubre ang tunay niyang kasarian at nakipagrelasyon sa kapwa niya babae. Susundan ito ng documentary na Shunned na tungkol sa mga transwomen na mahilig sumali sa mga gay pageant at kumukuha ng lakas sa isa’t isa, at ang Esoterika Manila ni Elwood Perez na tampok si Ronnie Liang, isang graphic artist sa story na nagkaroon ng affair sa mga transgenders.
Alden hindi na naman sinipot si Yaya Dub
Two days nang hindi napanood si Alden Richards sa kalyeserye ng Eat Bulaga kaya miss na miss na siya ng AlDub Nations, at siyempre pa, lalo na ni Yaya Dub. Nasa Camarines Sur si Alden noong Tuesday para sa teacher’s day doon, with Kris Bernal, kaya na-bash pa si Kris nang ibuking niyang nasa Naga City si Alden, dahil wala raw silang alam, akala nagbibiro lamang si Kris. Pero nakita nila sa mga post sa Facebook ng GMA na nasa Naga nga si Alden.
Kahapon ay nagbigay ang AlDub Nation ng hashtag na #ALDUBTogetherAgain pero wala pa ring Alden na nagpakita kahit sa split screen.
Binago na rin ng sugod-bahay ang pagdayo nila sa bahay ng contestant, sa halip sila na ang pumupunta kung nasaan ang tatlong lola para maiwasan nga ang magkasakitan sa rami ng tao.