MANILA, Philippines – Bumalik na ang self-confidence sa pagkanta ni Regine Velasquez-Alcasid kaya naman pinaghahandaan niya ang kanyang intimate concert na Regine…At The Theater sa The Theater ng Solaire Resorts at Casino sa ilang weekends ng November. Pero hindi naman ibig sabihin nito ay tatalikuran na niya ang pag-arte, huh!
Naranasan niyang mahirapang kumanta nang manganak siya kay Nate. Cesarean kasi ang panganganak niya.
“Siyempre na-stretch ang aking tiyan ng mga fifty meters! Fifty meters talaga? Siyempre, the muscles are not intact. Matagal talaga eh. ‘Yun talaga ang problema ng mga babae. ‘Yung iba nga, ang alam ko, nagkakaproblema sa notes. ‘Yung key nila, bumababa.
“But hindi ko naman naging problema ‘yon. Ang mas naging problema ko was the acid reflux. Parang I think…I had it na before pero parang naging grabe lang siya after giving birth.
“So noon, mahirap talaga. Nagka-crack ang voice ko. It was very hard for me to sing. Plus ‘yung confidence ko bumaba rin! Minsan, akala mo key but minsan, mag-a-attack siya! And you can’t do anything about it.
“So ‘yung part na…Tapos, talagang hirap akong kumanta! But now, slowly and slowly, I’m getting back! Thankful din ako sa PLDT kasi they gave me the chance to do that series na nakapag-practice talaga ako.
“Sabi rin kasi ng throat doctor ko, I just have to keep singing. Kumbaga, muscle memory ‘yan eh so that my voice will get used reaching that notes again!
“Kasi siyempre, I was singing almost every day if not grabe ang ginawa kong pagkanta before I gave birth and got pregnant. Then suddenly I stopped for two years! Talagang abrupt ang stop kaya nanibago ang vocal chords ko. Biglang suddenly, hindi ako kumakanta plus ‘yung additional na buwisit na acid reflux! Ha! Ha! Ha!
“But thank God, slowly, slowly, it’s getting back to normal. Minsan, I still have on and off. Kasi walang gamot talaga ‘yung acid reflux. You just manage it! That’s why I’m doing now and then, practice na lang nang practice,” paliwanag ni Regine sa presscon na ginawa sa The Luxent Hotel.
Tuloy pa rin daw ang vocalization na ginagawa niya. “Kasi pag hindi ko ginawa ‘yon, parang hindi siya bumubuka at all! Kailangan talaga!” rason ni Songbird.
Anong oras ang kanyang vocalization? Sa araw ba niya ginagawa ‘yon o sa gabi?
“It has to be in the morning!” seryoso niyang sagot. “Kasi kailangan mo i-stretch ‘yon! Iba na naman ang nasa isip mo!
“Kaya nga sabi ko, stretch, hindi buka! Kasi alam ko na ‘yon! Ha! Ha! Ha! Bastos ka! Nakakaloka!” bulalas ni Songbird.
Anyway, ang kakantahin ni Regine sa series of concert niya ay mula sa mga sikat na international at local musical plays. Special guests niya sina Audie Gemorra, Aicelle Santos at Jonalyn Viray.
Julie Anne at Derrick, kasabayan na ang mga K-Pop stars sa Korea
Lumipad pa-Korea sina Julie Anne San Jose at Derrick Monasterio upang maging representative ng bansa sa One Asia Seoul Mega Concert na ginanap kahapon sa Seoul City Hall ng Korea.
Nakasamang nag-perform ng Kapuso artists ang mga sikat na recording artists mula sa iba’t ibang bansa sa Asia na gaya ng K-Pop heavyweights na CNBLUE, GOT7 at Ailee, Misia mula sa Japan at Reno Wang na representative ng China.
Ipalalabas ang One Asia Seoul Mega Concert sa SBS Korean Broadcasting Company.