^

Pang Movies

Malditang aktres hindi na nakakabayad ng bahay, nagbebenta ng sasakyan, sapatos, bag at iba pa!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Solo na palang inaasikaso ni female celebrity ang kanyang sarili dahil hindi na raw kinaya ng dating manager nito ang kanyang masamang ugali.

Hindi na raw ni-renew ang kanyang kontrata dahil masyado raw malala na ang attitude problem nito. Kaya si female celebrity na raw ang nagtatawag sa mga talent coordinators para ipaalam na direkta na sa kanya ang tawag for guestings.

Kelan lang daw ay tinawagan si female celebrity ng isang talent coordinator mula sa isang TV network at nagtatanong kung puwede itong mag-guest sa mga shows na hawak nito.

Ang problema nga raw ay naglabas ng memo ang naturang network at isa ang name ni female celebrity na hindi puwedeng i-line up na guest sa anumang shows.

Kung noon ay parang naging paborito siya ng network, ngayon ay blacklisted na siya.

“Kasi nga may ginawa yata ang babaeng ‘yan kaya imbiyerna sa kanya ang mga bossing.

“Kaya banned siya na maging guest sa kahit na anong show,” sey pa ng nakausap naming talent coordinator.

Marami pa naman daw bayarin ang female celebrity, lalo na sa bahay na kanyang binili na hindi pa niya nababayaran ng buo.

Nagbenta na nga raw siya ng isang sasakyan para makabawas sa ilang pinagkakautangan niya.

Nagbenta rin daw ito ng mga hindi na niya ginagamit na mga damit, sapatos at accessories online.

Naka-post sa isa sa kanyang mga social media accounts (sa ilalim ng ibang name) ang mga items na binebenta niya.

Kalyeserye lunod na sa papuri ng mga pari

Highly recommended ng CBCP o Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang bawat eksena ng kalyeserye ng Eat Bulaga.

Wala ngang napapalagpas na episode ng kalye­serye ang CBCP dahil natutuwa sila sa mga aral ng buhay, lalo na para sa mga kabataan ngayon.

Ayon kay Father Kunegundo Garganta, executive secretary of the CBCP-Episcopal Commission on Youth, ang tambalang AlDub nila Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a Yaya Dub ay dapat hindi lang pinapanood dahil sa kilig na dulot ng kanilang pagsasama sa TV, kundi nagsisilbi silang inspirasyon sa bagong henerasyon ng kabataan.

Dagdag pa ng CBCP na nababalanse ng kalye­serye ang reality at ang nabubuong imahinasyon ng maraming kabataan ngayon dahil sa paggamit nila ng social media.

Taylor Swift nag-donate ng $50,000 sa baby na may cancer

Muling pinatunayan ng pop superstar na si Taylor Swift ang pagkakaroon niya ng ginintuang puso nang mabilis siyang mag-donate ng $50,000 sa baby nephew ng isa sa kanyang dancers.

May sakit na cancer ang naturang baby at meron itong GoFundMe page at isa si Taylor sa unang nagbigay ng kanyang tulong.

Nagpadala pa ng mensahe ang ‘Wildest Dreams’ singer sa dancer niyang si Toshi para sa pamangkin nitong si Baby Ayden.

“Baby Ayden, I’m lucky enough to perform with your uncle Toshi on tour. All of us are praying for you and your mama and sending so much love your way. Love, Taylor.”

Mabilis naman na nagpasalamat ang pamilya ni Baby Ayden kina Taylor at kay Toshi.

“Thank you so much to Ayden’s uncle Toshi and Taylor Swift for their generous donation, which will allow Lindsey to focus on Ayden and be with him day and night without having to leave his side.

“Thank you so much...words cannot express the deep gratitude we have for you two and everyone that is a part of TEAM AYDEN who have prayed and contributed to the cause!”

Two weeks na nasa ICU si Baby Ayden dahil sa pagkaka-diagnose nito na may cancer.

Ang ina nitong si Lindsey ay kinailangang mag-quit sa kanyang trabaho para maalagaan ng husto ang kanyang anak.

Nagpasalamat si Toshi sa pagiging generous ni Taylor via Instagram.

“@Taylorswift is an angel and my family and I can’t thank her enough... She is such an incredible human being. This unexpected gift is truly a blessing.”

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

AYDEN

BABY

BABY AYDEN

KANYANG

MGA

TAYLOR

TAYLOR SWIFT

TOSHI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with