Ang suwerte-suwerte ni Bela Padilla dahil malaki at challenging ang role niya sa Felix Manalo bilang Ka Honorata, ang asawa ni Ka Felix.
Mula umpisa hanggang ending ng pelikula ang exposure ni Bela sa biggest movie break niya.
Pasado sa panlasa ng movie critics ang performance ni Bela dahil hindi siya nagpatalbog sa husay ni Dennis.
Pabor kay Bela na araw ng Linggo ang premiere kahapon ng Felix Manalo dahil wala itong conflict sa ibang mga showbiz commitment niya.
Felix Manalo dinagsa kahit may bad weather
Masungit ang weather kahapon pero hindi ito naging hadlang sa successful premiere ng Felix Manalo sa Philippine Arena.
Dinagsa ng mga tao ang malakas na buhos ng ulan para masaksihan nila ang pinakabongga na premiere ng taon.
As expected, napuno ng maraming tao ang napakalawak na lugar ng Philippine Arena at namangha sila sa giant silver screen na itinayo ng Viva Films, ang produ ng Felix Manalo.
Ibang mga produ, afraid tapatan ang movie ng INC
Naglabas ng advisory ang SM Cinema management na ongoing pa rin ang advance ticket selling para sa opening day ng Felix Manalo
Nagsimula noong nakaraang Lunes ang advance ticket selling at marami na ang nag-avail ng tickets para makaiwas sila sa mahabang linya ng pila.
Mapapanood ang Felix Manalo sa 300 theaters nationwide at afraid ang ibang mga movie producer na tapatan ang pelikula ng Viva Films.
Organized na organized ang engrandeng premiere ng Felix Manalo at malaking tulong ang mga security personnel na nag-guide sa mga motorista sa NLEX.
May mga hawak na Iglesia Ni Cristo mini flags ang security personnel na nagtuturo sa mga motorista sa lane na dapat na daanan papunta sa Philippine Arena.
Naiwasan ang trapik sa kahabaan ng NLEX dahil sa competent security personnel na nag-assist sa mga dumalo sa premiere ng Felix Manalo.