Bagong hitsura ni Julia Roberts, napagkamalang editor ng Vogue

Hindi nakilala ang Pretty Woman star na si Julia Roberts nang dumating sa set ng kanyang bagong pelikula na Mother’s Day.

Nagpa-bob cut na may bangs ang 47-year-old Oscar winner at nagsuot ito ng malaking sunglasses. Inakala tuloy ng mga nasa set ay binisita sila ng Vogue editor na si Anna Wintour.

Makakasama ni Julia sa holiday-theme romantic comedy na ito ni Garry Mashall ay sina Jennifer Aniston at Kate Hudson.

Ito ang ikaapat na pelikula ni Julia with film director Garry Marshall na nagdirek sa kanya sa pelikulang Pretty Woman. Nasundan pa ito ng Runaway Bride at Valentines Day.

Nanghihinayang si Julia dahil wala siyang eksena na kasama niya si Jennifer Aniston dahil para sa kanya, she’s the hottest actress ngayon.

Mga karakter ng kalyeserye siguradong patok sa Halloween

Dahil sa sobrang sikat ng kalyeserye ng Eat Bulaga, asahan ang mga costume ng mga characters ng kalyeserye sa nalalapit na Holloween.

Huwag na tayong magulat kung may mga mag-trick or treat na naka-outfit na Lola Nidora, Tidora, at Tinidora. Meron din siyempreng magsusuot ng makulay na costume ni Duhrizz.

At siyempre, hindi mawawala ang mga magpapaka-Alden Richards at Yaya Dub.

Mabebenta ang mga polka dots aprons, shoulder bags, malaking pamaypay, at clipboard na siyang laging dala-dala ni Yaya Dub.

Ang Alden look naman ay tight-fitting na colorful top, skinny jeans, at rubber shoes. At siyempre, meron din siyang sarili niyang clipboard.

Sa darating naman na December 1 ay gagawaran ng kani-kanilang star sa Walk of Fame ang mga characters ng kalyeserye.

Lakad ni Ken kahilera na nina Venus, Shamcey, Janine, at Ariella

Ang beauty queen maker na si Jonas Gaffud ang siyang nagturo sa bida ng afternoon teleseryeng Destiny Rose na si Ken Chan kung paano maglakad na parang isang beauty queen.

Sa mga susunod kasing mga episodes ay unti-unti nang magiging babae ang character ni Ken na Joey. Kailangan ay lakad babae rin siya at walang ibang puwedeng magturo nito kundi ang discoverer at manager ng mga Miss Universe runners-up na sina Venus Raj, Shamcey Supsup, Janine Tugonon, at Ariella Arida na si Jonas Gaffud.

First time nga raw magturo ni Jonas sa isang lalaki kung paano maglakad na parang babae. At sa first session nila ni Ken ay mabilis daw itong nakapaglakad suot ang 4-inch heels.

“Maganda ang balance niya at nakuha niya agad ang mga turo ko,” sabi ng beauty queen expert.

Si Ken naman ay nilalagay ang kanyang character as Destiny Rose kapag suot na niya ang heels. Kaya madali raw sa kanya na ilakad ito nang paulit-ulit.

Show comments