Kaya wala sa baby shower ng anak, Dingdong sumunod na naman sa pamahiin

Bumilib kami sa fans nina Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil hindi talaga lumabas nang mas maaga ang buong pangalan ng coming baby nila. Ang fans nila na nag-attend ng birthday thanksgiving party ni Marian noong August 10 ang una niyang sinabihan na Maria Letizia Gracia Dantes ang full name nito at ang nickname ay Zia.  

Ang Letizia ay mula sa name ng lola ni Dingdong at sa name rin ng kapatid ng Papa Fran niya sa Spain. At ngayon ang reigning Queen of Spain ay Letizia rin ang pangalan. Nakiusap si Marian na huwag munang ilabas ang pangalan ng baby dahil ang asawang si Dingdong ang mag-aannounce nito sa baby shower na ginanap noong Saturday, September 26, sa Marriott Hotel.

Pero may pamahiin palang dapat ang present lamang sa baby shower ay ang nanay ng bata, kaya si Marian na rin ang nag-announce ng name ng magiging baby nila. Wala man si Dingdong sa baby shower, naroon naman siya sa Marriott Hotel habang inihahanda ang reception na dinaluhan ng members ng both family at close friends nila.

Tuluy-tuloy pa rin naman sa trabaho si Marian. Kahit medyo napuyat noong baby shower, very pretty pa rin siyang nag-report sa Sunday PinaSaya at after the show, nag-taping na sila ng show for October 11 dahil wala sina AiAi delas Alas at Alden Richards na may show sa Japan. So, siguro sa October 4, live pa ring mapapanood si Marian, bago mag-temporary leave sa show na napapanood every Sunday, 12:00 nn to 2:00 p.m.

Alden at Maine hindi nasipot ang mga guro, nag-dubsmash lang!

Sina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub ang special request ng mga teacher na nag-attend ng Gabay Guro Teacher Fest na ginawa sa SM Mall of Asia last Sunday, September 27. Maraming malalaking artistang nagbigay-pugay sa may 20,000 teachers na dumalo, pero hindi pa rin nakadalo ang magka-love team ng Eat Bulaga for the reason na hindi pa sila pwedeng magsama in public at hindi pa rin pwedeng magsalita si Maine.  

Ang nakakatuwa, after kumanta ng magka-love team na James Reid at Nadine Lustre na tinilian ng audience, doble ang tilian nang sabihin ng mga host na sina Pops Fernandez, Tim Yap, at Miss Philippines MJ Lastimosa, na ang susunod ay ang Pambansang Bae at ang katambal niyang nagda-dubsmash na si Yaya Dub. Pero VTR greetings lamang ang ipinakita na bumabati si Alden ng Happy Tea­chers Month at nag-sorry na hindi sila makakarating ni Maine. Nag-dubsmash din si Maine at nag-fan sign pa ng pagbati sa mga teacher. Bumati rin si Lola Nidora (Wally Bayola) at nagpasalamat sa mga teacher na nagtuturo at nagga-guide sa mga anak nila. 

 World-class ang concept ng show dahil mga world class performers ang nag-perform tulad nina Leo Valdez, Ima Castro, Janine Desiderio, Basil Valdez, Martin Nievera, Gary Valenciano, Pilita Corrales, at ang El Gamma Penumbra na nagbigay ng tribute sa mga teachers. Dalawang house and lot ang ipinamigay ng 2G chaired by Chaye Cabal-Revilla, van from Foton, P200,000 cash prize, round-trip tickets for two to Hong Kong with 1 thousand dollars pocket money, two motorcycles, at maraming Sun and TNT cell phones at marami pang iba. Sina Regine Velasquez-Alcasid at Derek Ramsay ang finale ng show sa kasiyahan ng mga teachers.

Show comments