May four-night concert si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid, ang Regine at the Theater sa Solaire Theatre on November 6 and 7, 20, and 21. PLDT Home ang sponsor ng concert at very thankful sa singer-actress ang PLDT marketing executive na si Gary Dujali na tumaas daw ang sales nila ng PLDT Home telephones na in-endorse ni Regine. Nakapagbenta sila ng 15,000 units from June to September at na-out of stock pa ang mga units. Expected nilang hanggang sa end of 2015 ay makapagbebenta sila ng 27,000 units. At dahil daw ito sa Regine Series kung saan nagkaroon ng chance ang fans and friends ni Regine na mapanood siya sa mall show kung saan lahat ng venues ay jam-packed. Wala raw silang naging problemang katrabaho si Regine.
“Gusto ko lamang kasing kumanta, kaya natuwa ako sa PLDT Home na binigyan nila ako ng Regine Series at ngayon, may concert na rin,” sabi ni Regine.
“The concept for this concert is a tribute to musical theatre. Hindi lamang sa Broadway, even sa local, kasi ang daming local plays na ipinalabas, like Rak of Aegis at Katy.
Pinag-aaralan pa namin kung anu-anong songs pa ang pwede kong kantahin, o kakantahin ko pa ba ang mga songs from old Broadway hits like Phantom of the Opera, and Les Miserables kasi noon ko pa iyon kinakanta. Kaya inisip namin na lahat ng songs na kakantahin ko, bibigyan namin ng bagong arrangements para maiba naman.”
Sino mga guests niya sa concert?
“AlDub, ida-dubshmash nila ang mga kakantahin nila. No, inaayos pa namin ang guests kasi ang gusto namin, pare-pareho ang mga guests sa four nights ng concert.”
Wala bang balak si Regine na gumawa ng soap o movies?
“Naghihintay pa ako ng magandang offer, kasi parang hindi ko na ma-imagine ang sarili ko na nakikipag-kissing scene pa uli sa movie like before. Eh ang anak ko pa naman, si Nate, very precocious, hindi ko pwedeng ipapanood ang mga pelikula ko noon. Baka kapag napanood niya, tanungin pa ako, ‘is he my father?’ Tama na sa akin ang pagho-host ko ng Sarap Diva every Saturday at one of the judges sa Starstruck 6 every Friday with Joey de Leon, Jennylyn Mercado and Dingdong Dantes who also host the reality artista search. Medyo mahirap ang trabaho namin dahil iyong lahat ng ginawa ng mga contestants for four days, niri-review namin sa isang araw para makapagbigay kami ng tamang judgment.”
Mayor Bistek nagtampo kay Kris
Nakipag-tsikahan si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa mga entertainment press na may mga birthday ng July, August, and September. Siyempre pa ang unang tinanong kung ano na ang nangyari sa entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na pagtatambalan nila ni Kris Aquino. Noon daw kasing nagsu-shooting si Kris ng Etiquette of Mistresses, lagi itong nagkakasakit kaya akala ay hindi na matutuloy pero after the shooting na-persuade rin si Kris na ituloy na ito pero si Derek Ramsay na ang katambal.
Nag-usap daw sila ni Ms. Malou Santos ng Star Cinema at sinabing kasama pa rin siya sa movie dahil siya ang first choice nila sa cast. At sabi ay magri-resume sila ng shooting sa October 9. Biro ni Mayor Bistek, salamat daw na nasali pa rin siya, at least daw may raket siya sa Pasko.
Sa tanong kung nagkabalikan sila ni Kris, umiwas siyang sagutin, hinihintay pa raw niya ang kasal ni Bossing Vic Sotto kay Pauleen Luna.