Paulit-ulit na nagpapasalamat si Coco Martin sa pagsasabing bata pa lang ay number one fan na siya ng yumaong Hari ng Pelikulang Tagalog na si Fernando Poe, Jr.
Halos lahat daw ng mga pelikula nito ay napanood niya.
Noong bata pa siya, elementary days niya, baon niya sa pagpasok sa school ay diyes sentimos, pero hindi daw niya inilalaan sa recess period para pambili ng pagkain ng tradisyonal na estudyante.
Iniipon pala ni Coco ‘yung baon na diyes sentimos at inilalaan niya sa coming movies ni FPJ sa sinehan na nadaraanan niya ‘pag pumapasok ng paaralan. Kasi ‘pag humingi siya ng pambayad sa sine, hindi siya bibigyan ng nanay niya at lalong hindi siya pinapayagang manood. Basta raw pelikula ng idol niya ay hindi niya pinalalampas na hindi panoorin. Ilan sa mga napanood ni Coco na nakatatak sa kanyang isipan hanggang sa paglaki ay Ang Panday, Kalibre 45, Ang Probinsiyano at iba pa na sa katagalan na rin ay hindi na niya matandaan ang titulo.
Pero sobrang saludo at panatikong follower ni FPJ si Coco.
Mismong ideya ni Coco na isalin sa telebisyon at daily show (series) ang Ang Probinsiyano. Ganyan kadeboto si Coco sa yumaong hari. At para lang maging makatotohanan ang akting ni Coco, pinag-aralan niya ang mga kilos, porma, galaw ng bibig, kamay, pagsasalita at kung paano manuntok si Da King.
Hindi niya sinabi na pati pagkanta ay ginaya niya. At isa sa mga naging mentor ni Coco ay ang aktres na may bansag na The Face that Refreshes, none other but Susan Roses, ang maybahay ni Da King na gumaganap na lola ni Coco sa nasabing serye ng ABS-CBN, bale dual role na rin si Coco, kambal na isang clean cut na Manila Police man at isang bruskong probinsiyanong pulis. Super excited si Coco, feel daw ng aktor na hindi man siya naging kasing galing ng idol niya, pero nagkaroon naman ng katuparan ang pangarap na ihambing siya kay Da King. Suportado siya ng magagaling na artista na sina Anjo Atayde, Bela Padilla, Maja Salvador, Agot Isidro, Albert Martinez, Joey Marquez, Jaine Tabregas, Dennis Padilla, Malou Crisologo, Malou de Guzman, Marvin Yap, Simon Pineda, Zaijian Jaranilla at iba pa. Grabe rin sina Malu Sevilla at Avel Sunponged, ang tapang ng kanilang trabaho.
Kung nakamamatay ang mura, Snooky matagal nang dedo!
Galit na galit ang fans ni Jennylyn Mercado kina Snooky Serna at Mikael Daez. Gusto nilang ingudngod ang bibig ni Kooky sa lupa. Dahil inaapi, sinasabunutan, sinasampal, minumura, at hinihiya ni Snooky sa harap ng maraming tao si Jennylyn. Mga eksena ito sa seryeng My Faithful Husband sa GMA 7. Mag-asawa sina Jennylyn at Dennis Trillo na anak ni Snooky.
Kawawang Snooky, trabaho lang naman, pero kung nakakamatay ang mura, wala na siya sa eksena, patay na!
Pero ang galing niya sa nasabing palabas, mahirap bang ipaliwanag ‘yun, at least alive ang career ni Kooky sa telebisyon at si Mikael, bakit daw ginugulo ang mag-asawang Dennis at Jennylyn? Dapat daw patahimikin niya ang mag-asawa. Hay naku ang fans, hanggang ngayon (hindi lahat) nadadala ng mga pinapanood nila sa TV.
Aksyon Tonite ng TV5, nilalahat ang mga balita
Grabe ang hatak ng programang Aksyon Tonite sa TV5 na ang mga host newscaster ay sina Erwin Tulfo at Cheryl Cosim. Pag-isahin mo ang mga balita ng GMA 7 at ABS-CBN, nandoon lahat sa Aksyon Tonite. Magagaling din ang mga segment newsmen, kahit saang impiyerno ay go sila to coverage ng mga insidente. Pero natawa ako sa isang episode ng news program na ang title ay Pampam Watch. Eh kasi akala ko news ng mga putatsing dahil ang salitang “pampam” ay pambabae, ‘yung mga babaeng prosti. Peksman, tanong ninyo sa mga oldies na pampam ang tawag. Anyway, walang masama, kahit na pampam pa ang tawag diyan, isang uri ‘yan ng propesyon. Ang programa nina Erwin at Cheryl ay sa ilalim ng news department head na si Ms. Luchi Cruz –Valdez go, go, go!