Pinanood ni Vice President Jojo Binay ang Heneral Luna at nagustuhan niya ang pelikula na extended ang showing sa mga sinehan dahil pinipilahan ng moviegoers.
Ang sey ni Papa Jojo, hindi siya nakaramdam ng antok habang pinapanood niya ang Heneral Luna. Hindi kagaya ng mga pelikula na kanyang napanood noon at tinulugan.
Suportado ni Papa Jojo ang local movie industry at ang Anak na pinagbidahan noon ni Batangas Governor Vilma Santos- Recto ang isa raw sa kanyang mga favorite Tagalog movie.
Alma kumpirmado na ang pagkandidato sa senado
Kinumpirma ni Papa Jojo na kakandidatong senador si Alma Moreno sa ilalim ng partido niya. Sinabi ni Papa Jojo na si Alma ang magiging kinatawan ng mga kababaihan sa political party nila. Marami ang mga artista ang sumusuporta sa presidential bid ni Papa Jojo at lalantad sila sa tamang panahon.
Papa Jojo may time pang manood ng Eat Bulaga, pero kilala rin si Pastillas Girl
Parehong fan ng AlDub si Papa Jojo at si Manila City Mayor Joseph Estrada.
Kilalang-kilala ni Papa Jojo ang AlDub at kesehodang busy siya sa pag-iikot sa buong Pilipinas, may oras siya sa panonood ng kalyeserye ng Eat Bulaga.
Nakakaloka si Papa Jojo dahil kilala rin niya si Pastillas Girl pero mas marami siyang alam tungkol sa loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza.
Ibang network, may K sa word na celebrity
The more the merrier ang sagot ko sa mga nagtatanong sa reaksyon ko dahil may bagong show na may celebrity word ang title.
Tulad nang sinabi ni Senator Grace Poe, walang monopoly sa tuwid na daan at ganito rin sa salita na celebrity.
Bago pa nagkaroon ng CelebriTV, may Celebrity Bluff na ang GMA 7 kaya karapatan din ng ibang mga television network na gamitin ang celebrity sa kanilang mga bagong programa.
Sikat na aktres, umapir sa Felix Manalo kahit walang dialogue
Ginanap kagabi sa Manila Hotel ang grand presscon ng Felix Manalo na sinundan ng cast at production crew party.
Invited ang lahat ng mga artista ng Felix Manalo sa cast party, kahit sandali lamang ang exposure nila sa epic movie ng Viva Films.
May isang sikat na aktres na may cameo role sa Felix Manalo pero walang dialogue. Pumayag ang aktres na umapir sa pelikula dahil naniniwala siya sa project at type niya na makatrabaho ang award-winning director na si Joel Lamangan.
Happy ang mga producer ng Felix Manalo dahil sa kooperasyon na ibinigay ng mga artista na pumayag na magkaroon ng brief exposure sa much-awaited movie ng taon.