Tulad ng engaged couple na sina Vic Sotto at Pauleen Luna, na hinihintay munang matapos ang ipinagagawa nilang bahay sa isang exclusive subdivision bago sila mag-isang dibdib, ganundin kumbaga ang feeling nina Cristine Reyes at ng kanyang martial arts expert foreigner fiancée na si Ali Khatibi.
“We want na pagkatapos ng aming kasal, sa bagong tayong bahay na namin kami tumuloy,” pahayag ni Cristine.
Cristine said na ang panganay nilang si Amarah is now seven months old. May buo na raw itong ngipin sa harapan.
“Kaya, excited kaming hinihintay na mag-one year-old siya,” patuloy ni Cristine.
Balak daw nila ni Ali na sundan si Amarah after a few years pa. Napag-desisyunan daw nila na ipagpatuloy ni Cristine ang kanyang showbiz career, lalo pa ngayon at may mga offer siya.
Anytime soon, magsisimula nang magtrabaho si Cristine sa kanyang unang serye nila ni Zanjoe Marudo with ABS CBN.
May nakatakda rin siyang gawing movie with her home studio, Viva Films.
“So far, so good ang mga nangyayari sa akin,” ang nakangiting sabi ni Cristine.
Etiquette… para rin sana sa hindi mga kabit
Nang isinulat ng popular newspaper columnist na si Julie Yap-Daza ang kanyang best-selling book na Etiquette for Mistresses, she reportedly did not mean na maging kuwento lang ito tungkol “kabit”.
She wants the kuwento she gathered obviously from mistresses, gusto niya na mula talaga sa mga kabit at naging kabit ang kanyang isusulat, upang maging aral din sa mga tunay na asawa.
As Kris Aquino, in a scene in the now movie version of Etiquette… said, huwag mag-ilusyon si Kim (Chiu), na gumaganap na kabit gaya niya, na mas bibigyan siya ng oras ni Zoren (Legaspi, who plays Kim’s lover) kesa asawa at family nito.
Etiquette…, directed by Chito Roño, and produced by Star Cinema ay ipalalabas sa September 30.
Kasama rin sa cast ng Etiquette…sina Claudine Barretto, Cheena Crab and Iza Calzado.
Donita mas pinili ang asawa
We are glad to know na nakipag-ayos na si Donita Rose sa ama ng kanyang anak na si Eric Villarama, who is a U.S. resident.
Back in the U.S. na si Donita after her stint in the GMA 7 drama series, Let The Love Begin.
Samantala, tahimik ang buhay may-asawa ng isang aktor na naging ex ni Donita.
Isang artista rin ang napangasawa nito. They have three daughters.
Hindi na rin nag-a-artista ang aktor. He is now into politics and, in fact, holds a high political position in the province where he and his family now live.
Ricky hindi pa nagsasalita tungkol sa anak na transgender
If Jackielou Blanco, Salve A., reportedly say na parang embarrassed when she mentioned at the presscon of her now ongoing series, Destiny Rose, on GMA 7, that she has a daughter na transgender, I wonder how Ricky Davao feels about it.
Confirmed nang hiwalay sina Jackielou at Ricky.
Destiny Rose, of course, has new star Ken Chan playing a transsexual, which, happily, Ken is able to portray di lang mahusay, kung hindi effectively.
Gumaganap na kanyang lover, na willing to take him for what he is, is Brazilian native Fabio Ide.
Kabilang din sa cast sina Michael de Mesa at Manily Reynes.
Tatlong Bicolano maglalaban-laban sa pagka-VP
Wow, Salve A., how true that Vice President Jojo Binay might decided to have for his running mate sa kanyang kandidatura bilang Pangulo ng Pilipinas in the 2016 elections, si Senator Gringo Honasan.
Pag nagkataon, Salve, tatlong Bicolano ang maglalaban-laban for Vice President.
Senator Chiz Escudero is, definitely Presidentiable Senator Grace Poe’s candidate for vice President. Si former DILG Secretary Mar Roxas naman, ang napipisil na running mate ay si Congresswoman ng Camarines Sur na si Leni Robredo.