^

Pang Movies

Basta raw napag-uusapan Vice walang paki kahit binabansagang gaya-gaya

- Vinia Vivar - Pang-masa

Hindi pa sure si Vice Ganda kung sino ang ie-endorse niyang Pangulo sa darating na eleksyon. Mas mahirap daw itong pag-isipan kaysa sa kung sino ang iboboto niya personally.

“Kasi ‘yung iboboto ko, madali lang naman ‘yan, eh. Mas madali kasi sarili ko lang. Pero ‘yung ie-endorse ko na mang-iimpluwensiya ako ng ibang tao, kailangan kong pag-isipan ‘yun.

“Kasi, ‘yung iboboto ko, magkamali man ako, wala naman ibang napahamak, eh. Pero ‘yung nang-impluwensiya ka, kailangan kong pag-isipan ‘yan,” sabi ni Vice Ganda.

Meron na rin daw lumalapit sa kanya pero hindi pa raw siya decided.

May kumakalat na balitang si Mar Roxas ang ie-endorse niya because of Korina Sanchez, how true?

“Okay kami ni Korina, pero hindi naman kami close. Okay kami, mabait sa akin ‘yun,” sey niya.

How true na nakaplano na ang pag-announce niya ng support kay Mar?

“Wow, pinaplano talaga?” natatawang sagot ni Vice. “Hindi, wala. Not true.”

Samantala, masayang-masaya si Vice Ganda na tumaas na ulit ang ratings ng It’s Showtime na talaga namang sumadsad lately dahil nga sa AlDub ng Eat Bulaga.

Ayon sa datos ng Kantar Media ay nakakuha ng 18.2% ang said noontime show at hindi na nalalayo sa Eat Bulaga na nakakuha naman ng araw na ‘yun ng ratings na 20.6%.

Sinasabi ngang si Pastillas Girl ang dahilan ng pagbangong muli sa ratings ng It’s Showtime but at the same time ay marami ring bumabatikos ngayon sa bagong segment na ito dahil kesyo ginaya lang daw ang EB.

Ang masasabi lang ni Vice tungkol dito, “nagpapasalamat pa rin ako sa mga tao because they keep on talking about Pastillas. Anuman ang sabihin nila, whether good or bad, for as long as everyone is talking about it, it makes it relevant.”

At sa mga nagsasabing nanggaya lang sila sa EB, ayon sa The Unkabogable Box-Office Star, “sino bang nanggaya, sino bang ginaya? Paulit-ulit na lang ‘yan. Sino bang original sa mundo? At basta, kahit anon’g sabihin sa ‘yo, for as long as everybody’s talking about you, you remain to be relevant. And in showbusiness, it’s all about being relevant.”

Naduwag?! JM binawi agad ang hamon na one-on-one fight kay Enrique

Naloka naman kami sa picture na ipinost ni JM de Guzman sa kanyang Instagram account kung saan ay hinahamon niya ng mixed martial arts si Enrique Gil.

Sa naturang larawan ay nanlilisik ang kanyang mga mata at parang galit na galit.

May caption itong: “With all due respect to Enrique Gil’s friends, fans, and family. I would like to challenge you to a one on one amateur mixed martial arts match any place any time. I’ll give you time to prepare. Man up. Face me. (reply to my text messages please.) thanks brother.:@enriquegil17.”

Bagamat binura agad ni JM ang post niyang ito, kumalat na agad at nakunan na ng screenshot sa iba’t ibang online sites.

Matatandaang nag-sorry na si Enrique kay JM at Jessy Mendiola sa ginawa niyang gulo sa eroplano pero mukhang hindi pa siya napapatawad ng aktor ng All of Me.

Pero dahil nga binura agad ni JM ang post niya, ibig kayang sabihin nito ay binabawi na niya ang kanyang hamon kay Enrique?

At ano naman ang masasabi ni Enrique dito pati na rin ang Star Magic na siyang namamahala ng kanilang career? Well, dapat siguro ay pagharapin na lang ang dalawang ito para magkausap at magkaayos.

ACIRC

ALL OF ME

ANG

EAT BULAGA

ENRIQUE

ENRIQUE GIL

JESSY MENDIOLA

KANTAR MEDIA

KASI

PERO

VICE GANDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with