May usap-usapan sa Hollywood ngayon na may kinu-consult ang mag-asawang Brad Pitt at Angelina Jolie na isang transgender expert dahil ang kanilang 9-year old daughter na si Shiloh ay may gender dysmorphia.
Ibig sabihin nito ay pakiramdam ni Shiloh na isa siyang lalake at hindi babae.
Si Shiloh Nouvel Jolie-Pitt ang unang birth child ng mag-asawang Brad at Angelina.
Noon pa man ay napapansin ng media na mahilig nagdamit lalake si Shiloh tulad ng mga kapatid niyang lalake na sina Maddox, Pax at Know, hindi tulad ng mga kapatid niyang babae na sila Zahara at Vivienne na nagsusuot ng mga dresses.
Gusto lang masiguro nila Brad at Angelina na naiintindihan ni Shiloh ang kanyang pagkatao at maramdaman nito na kahit ito ang gusto niya, hindi mawawala ang pagmamahal ng kanya ng magulang at mga kapatid.
“They want Shiloh to feel loved and secure,” ayon sa Radar Online.
“Brad was told Shiloh would have gravitated towards dressing as a boy, and being called John, even if their siblings were all girls. It’s just the way Shiloh is.
“Shiloh could be a tomboy and as a teenager could become the most girly girl.
“There are no concrete answers. Brad and Angelina are committed to giving Shiloh a loving family environment.”
Direk Philip ng Celebri-TV ayaw ng Tsismis at kontrobersiya
Unang pagsabak ng comedy bar performer na si Phillip Lazaro sa pagdidirek ng isang talkshow via Celebri-TV ng GMA 7.
Nasubukan na ni Phillip na magdirek ng teleserye (Paraiso Ko’y Ikaw) at gag show (Tropa Mo Ko Unli). Kaya kabado rin siya sa magiging outcome ng Celebri-TV.
“Mabuti na lang at pamilyar na ako kina Manay Lolit Solis, Kuya Joey de Leon at Ms. AiAi delas Alas kaya hindi na ako mangangapa pa sa kanila.
“Exciting ito in a way kasi ang sarap mapanood ang pag-clash ng mga personalities nila. May baliw, may pasaway at may sutil. Just imagine kung nagbabalitaktakan na sila with one another. Hindi ba masaya?” ngiti pa ni Direk Phillip.
Taped as live ang Celebri-TV at hindi tulad ng namaalam na Startalk na live na napapanood.
“At least kung taped siya, kontrolado natin ang mga magaganap.
“Tsaka may kanya-kanyang segments sina Manay Lolit, Kuya Joey at Ms. AiAi. Kaya hindi kakayanin ng live kasi 45 minutes lang kami.”
Hindi nga raw magiging tsismis or controversy-based ang Celebri-TV. Puro mga positive at nakakatuwang balita sa mga celebrities ang ipapakita nila.
“Yung mga tsismis kasi, ipaubaya na natin ‘yan sa social media. Nauuna na kasi ang social media sa mga ganyan. Tsaka mas gusto namin ay positive lahat.
“This show is designed for fun. Huwag natin hanapan ng panget na anggulo ang isang celebrity. Puro masasaya at magaganda na lang,” sey pa ni Direk Phillip.
Kasama rin ang Philippine Star Entertainment Editor Ricky Lo sa Celebri-TV at mga exclusive interviews ng mga Hollywood stars ang kanyang magiging contribution sa bagong show na ito ng GMA 7.
Ken bantay-sarado ng mga bakla sa set
Masayang-masaya si Ken Chan dahil mataas ang rating ng pilot episode ng kanyang pinagbibidahan na Destiny Rose.
Labis na nagpapasalamat si Ken dahil pinagdasal daw talaga niya na maging success ang unang episode ng Destiny Rose para abangan ng mga televiewers ang mga susunod pang mga ganap.
Nabanggit pa ni Ken na tuwing taping nila ay may ilang miyembro ng LGBT community na nasa set nila para mabantayan ang takbo ng istorya.