Pinagpistahan ng mga news and showbiz reporters ang pagdating ng ina ni Heart Evangelista na si Cecille Ongpauco sa Club Filipino kung saan ay inanunsyo na ni Sen. Chiz Escudero ang kanyang pagtakbo bilang Vice President sa 2016 elections at ka-tandem ni Sen. Grace Poe.
Nahingan pa ng pahayag si Mrs. Ongpauco at nagsabing proud daw siya sa anak niya at proud din siya kay Chiz.
In short, talagang natanggap na ng mommy ni Heart si Chiz at maayos na ang lahat sa pami-pamilya nila.
Sa opening speech ni Chiz ay nagpasalamat siya kay Sen. Grace sa pagpili sa kanya bilang running mate, sa kanyang ever supportive wife, sa kanyang ina at sa kanyang mother-in-law.
“Maraming salamat kay Senator Grace, sa aking asawa, sa aking nanay, sa aking biyenan, sa mga miyembro po ng pamilya kong naririto ngayon, sa mga kaibigan at kapanalig na nanditito, sa mga kapwa kong Bicolano at sa ating mga kababayan,” pahayag ni Chiz.
Dumating din sa announcement si Lovi Poe na best friend ni Heart kaya nagkita-kita sila roon nina Sen. Grace at ina nitong si Susan Roces.
Matatandang nauna nang nag-anunsyo si Grace ng kanyang pagtakbo bilang Presidente last Wednesday night at sinundan naman ito ni Chiz kahapon ng umaga.
Mayor Bistek tanggal na sa MMFF movie ni Kris?!
Sa presscon ng Etiquette for Mistresses held last Wednesday night ay may pasabog ang isa sa bidang si Kris Aquino. Kinumpirma niyang iiwan na niya ang Aquino & Abunda Tonight.
“Last night (Martes) we had a meeting with Ms. Cory Vidanes (ABS-CBN Head Free TV) and gusto kong magpasalamat sa ABS-CBN kasi sa 20 years na nandito po ako, pinapahalagahan nila kung ano ‘yung importante sa akin
“And once and for all, babalik po ako sa Aquino and Abunda (Tonight) on Monday for my final week.
“Because, alam n’yo the health issues I went through, because I can’t shoot a movie and do two daily shows,” she said.
Sa pag-alis niya ay maiiwan na lang ang show sa co-host niyang si Boy Abunda.
“Rightfully, the show should be ‘Boy Abunda Tonight’ kasi three months na halos na siya mag-isa. And I’m so happy for him and I’m just also happy that next week, I’m being given the chance to close it properly,” say pa ni Kris.
At dahil sa health issue ng Queen of All Media ay naitanong kung tuloy pa ang pelikula nila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na entry ng Star Cinema sa 2015 Metro Manila Film Festival.
“The categorical answer about filmfest question is, yes, it is pushing thru but there will be changes. Changes that I am not allowed to mention because kailangan namin ng approval ng MMDA,” paliwanag ni Kris.
Sa madaling salita, hindi na kasama si Bistek sa pelikulang Mr. and Mrs. Split?
“Sinabi ko categorically I’m still involved and I can speak for myself, my son is involved because I’m his legal guardian at nakapirma kami, but there will be addition to the cast and that’s it! Stop asking me. Mababawasan ang suweldo ko kung magsasalita pa ako,” say pa ng aktres/tv host.
Dahil kwento ng mga mistresses ang Etiquette for Mistresses, natanong ang mga nasa cast na sina Kris , Kim Chiu, Claudine Barretto, Iza Calzado at Cheena Crab kung nasubukan na nilang maging kabit.
Sa lima, tanging si Kris ang nagsabi na na-experience niya na ito and alam din naman ito ng publiko dahil open book naman ang buhay niya.
“It’s not a secret that I was into a relationship with men who were not annulled, so dedma and it’s reality wala akong itinatago dahil alam naman ni Bimb (Bimby) and the only person that I’m answerable is to 8 years old and alam niya (kasi) mababasa niya sa internet, mapapanood niya sa youtube, so sinabi ko na hindi madali kasi you’re pre-judged and I heard that words so often, that’s kabit kasi hindi pa plantsado o hindi naayos,” pahayag ni Kris.
Naranasan na rin daw niya ang magloko ang asawa so kaya both sides ay alam na raw niya kung ano ang pakiramdam.
“So pipiliin ko ‘yung madali, wala kang kaagaw, walang kang kailangang ka-share, sabi nga ‘yung sinabi ni Iza, ‘who really wants to share a man’ and sometimes also, you realize you had to go thru those lessons to know what really matters to you and you have to really make mistakes for you to know what is right and what is wrong and what are the consequences and I paid those consequences three times,” she said.
Pero dahil nga may mga endorsements siya na nagpapakita ng family values, talagang kinausap daw niya ang direktor na si Chito Roño na dapat daw ay may redemption naman ang kanyang karakter.
Showing na sa September 30 ang Etiquette for Mistresses at sa mga nagtatanong kung sino ang leading men ng limang girls, panoorin na lang daw ang movie.