Matapos tanggalin sa ASAP, Aiza sasaluhin ng Sunday PinaSaya at Eat Bulaga!
Sa presscon ng bagong seryeng produced ng TAPE, Inc, ang Princess in the Palace na pagbibidahan ni Ryzza Mae Dizon ay kinumpirma ni Aiza Seguerra who is also part of the cast na hindi na muna siya mapapanood sa ASAP.
Dahil nga sa pagkakatanggap niya sa Princess in the Palace ay sinabihan siya ng ABS-CBN na mag-take muna ng leave of absence habang may serye siya.
Tinanggap ni Aiza ang Princess in the Palace knowing na walang magiging conflict sa ASAP since weekdays naman ito ipalalabas sa GMA-7, before Eat Bulaga at ang makakatapat nito sa Kapamilya ay ang Ningning na hindi naman niya show.
Wala ring exclusivity si Aiza sa kahit anong network kaya kung tutuusin ay pwede naman talaga siyang tumanggap ng show sa kabila as long as hindi ito katapat ng show niya sa ABS-CBN.
Pero ‘yun nga, tila hindi nagustuhan ng ABS-CBN management ang pagtanggap ni Aiza ng show kaya inalis muna siya sa ASAP.
“Honestly I felt bad dahil siyempre, espesyal na rin sa akin ang show, it’s just that, I also understand that may mga bagay na above sa aming mga artists,” sabi ni Aiza.
Siyempre, nakakalungkot din daw lalo’t 6 years na siya sa nasabing Sunday variety show ng ABS-CBN at naging habit na rin daw sa kanya ito. Mami-miss niya ang mga kasamahan lalo na nga raw ang kapwa-Sessionistas.
Last episode ni Aiza sa ASAP ang London show kaya very memorable ito for her bukod pa nga sa naging sobrang saya ng trip na ‘yun at nakapag-bonding talaga sila nang husto ng mga kasamahan.
Pero ang tanong, bakit nga siya pinag-leave gayung hindi naman magkatapat ang ASAP at Princess in the Palace?
“Well, siguro, right now, alam naman natin na hanggang ngayon, mayroong network thing na nangyayari especially, I think with the AlDub issue, medyo fierce ngayon, so yeah, I think they’re just protecting themselves din.
“And ang sabi lang nila, they don’t wanna set precedent na gawin din ng ibang artists ‘yun sa kanila. So, that’s fine,” say ni Aiza.
Nagpapasalamat na lang ang singer sa kanyang TAPE office family na lagi raw nandiyan sa tabi niya anuman ang mangyari sa kanya at alam niyang hinding-hindi raw siya iiwan no matter what.
Nakausap nga rin namin ang President ng TAPE, Inc. na si Malou Choa-Fagar at aniya, walang-wala raw dapat ipag-alala si Aiza sa pagkakatanggal nito sa ASAP dahil anytime ay pwedeng-pwede raw itong bumalik sa Eat Bulaga. Right now, plano nga raw nilang bigyan ang singer ng segment every Saturday.
Pwedeng-pwede rin daw nilang ilagay si Aiza sa Sunday PinaSaya na pino-produce rin ng TAPE, Inc. pero say ng singer, right now ay hindi niya muna ito magagawa dahil nga katapat ng ASAP ang nasabing show.
“Kasi, ang nangyari is, hindi ‘yung umalis ako, it’s more of a leave of absence. So, I would like to believe that for the meantime, alam mo ‘yun? Kung baga, hindi kasi ganu’n ka-klaro, eh.
“Siyemre, it’s different kung sinabi talaga na “tanggal ka na”. Pero hindi, eh. It’s a leave of absence, pero siyempre, bilang respeto sa binigay sa aking leave of absence na ‘yun, hindi ako lalabas sa katapat,” she said.
So, pag nag-end ang Princess in the Palace, pwede na siyang bumalik sa ASAP?
“’Yun ang sabi nila sa akin,” sey ni Aiza.
Sa London trip daw nila ay nakausap din daw niya ang mga bossing ng ASAP at naging maayos naman daw ang pag-uusap nila’t nagkapaalaman nang maayos.
Samantala, ginagampanan ni Aiza rito ang role na bodyguard ni Ryzza Mae sa Princess in the Palace na magsisimula na sa Sept. 21. Mula sa direksyon ni Mike Tuviera, kasama rin sa serye sina Eula Valdez, Boots Anson-Rodrigo, Dante Rivero, Ciara Sotto, Neil Perez, Ces Quesada, Rocky Salumbides at marami pang iba.
- Latest