^

Pang Movies

Nakakuha ng katapat, Ejay kinarma sa ginawa kay Yam

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Totoo kaya ang hula ng isang kilala at magaling na aktres na walang balak si Ellen Adarna na ser­yosohin si Ejay Falcon?

Open na open si Ejay sa kanyang pagkakagusto sa dalaga, mukhang nakatagpo daw ng kanyang katapat si Ejay, sabi ng isang grupo na malapit naman kay Yam Concepcion.

The same group know daw kasi kung gaano dinamdam ni Yam ang pakikipaghiwalay ni Ejay sa kanya, samantalang super sweet nila noong ginagawa nila ang kanilang una’t huling serye na Du­gong Buhay.

May bagong boyfriend na ngayon si Yam, non-showbiz.

Ellen is Ejay’s leading lady sa Passion de Amor, which balitang magkakaroon ng Book Two.

Naging isyu ang pagdalo nila sa Star Magic Ball dahil balitang ginamit lang naman si Ejay ni Ellen na balita naman na nagpakalunod sa alak.

Walang kaingay-ingay, indie movie ni Nora palabas ngayon sa mga sinehan

Gusto raw i-revive ni Nora Aunor ang kanyang sariling production company na NV Production, pero this time, sa indie films daw ang focus nito.

Sa ngayon ay nahihilig si Guy sa indie, since lahat ng kanyang pinagbidahan ay pawang ganito ang genre, kabilang na ang pinag-uusapang Taklub, which indie producer and director, Brillante Mendoza, will release sa SM Cine­mas na magsisimula ngayong araw, September 15.

Totoo kaya ang balita na sa kanyang upcoming indie movie na Tasaday ay magta-topless siya?

Well, abangan.

Sen. Loren ginawang inspirasyon ni Direk Brillante

Ang istorya ng Taklub ay base sa mga biktima ng bagyong Yolanda, na hanggang ngayon, ay pilit pa ring bumabangon sa kanilang kinasasadlakan.

Ayon kay Direk Brillante, si Senator Loren Legarda raw ang nag-inspire at nag-udyok sa kanya para gawin ang pelikula.

Pagkatapos maipalabas ang Taklub sa Cinemalaya Film festival sa CCP last August, Direk Brillante is convince that it was worth doing the film.

Taklub, likewise, has earned raved reviews when it was shown at the Cannes and other international filmfest.

John at Isabel sabik na sa kanilang baby

John Prats has yet to announce formally kung buntis nga ang asawang si Isabel Oli. Ikinasal sila last May.

Balitang ang pagbubuntis ni Isabel ang dahilan kung bakit ‘di siya nakasama ni John sa katatapos na ASAP Live in London. The two are eager na raw to have a baby.

John nakikiagaw ng pansin kay Julia

This year is obviously a lucky one for comedian John Lapus.

Unlike last year, na wala siyang puwedeng masasabing kanyang important project, this time, he is both in a series and in an upco­ming movie, na maipagmamalaki niya halos ‘bida’ na rin siya.

Agaw-pansin si John sa kanyang role bilang baklang talent manager ni Kara, isa sa dalawang roles na ginagampanan ni Julia Montes sa current trending series, Doble Kara.

Julia is also Kara in the series.

“Kaya, sobra ang exposure ko sa teleserye,” nakangiting saad ni John.

John is also featured in Resureksiyon, a horror suspense flick, produced by Regal Entertainment and Reality Entertainment, which also stars Isabelle Daza, Jasmine Curtis-Smith and Paulo Avelino.

Directed by Alfonso “Borgy” Torre, a nephew of actor Joel Torre, also in the cast are Alex Castro and former child wonder, Niño Muhlach.

ACIRC

ALEX CASTRO

ANG

BOOK TWO

BRILLANTE MENDOZA

CINEMALAYA FILM

DIREK BRILLANTE

EJAY

JOHN

STRONG

TAKLUB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with