Bagama’t may mga usapan na ang nangyari raw kay Enrique Gil ay dahil sa pag-udyok sa kanya ng dalawang co-stars, sina Jake Cuenca at Paulo Avelino, mabilis namang nag-deny ang dalawa sa mga tsismis na iyon at pareho halos ng kanilang statement na huwag na silang idamay sa nangyari. Unang nagsalita si Paulo na sinabing “dapat matuto siya sa kanyang mga mali”. Tapos lumabas naman ang statement ni Jake na nagsasabing “huwag na siyang mandamay”.
In fairness kay Enrique Gil, wala naman siyang idinadamay talaga. Nakagawa siya ng isang pagkakamali at nang makita niyang lumaki na ang issue at hindi naman niya maikakaila iyon dahil sa dami ng nakakaalam, minabuti na lang niyang humingi ng isang public apology. Wala na kasing ibang choice eh.
Pero siguro nga totoo, na matagal din niyang dadalhin ang pagkakamali niyang iyan. Kagaya nga ng nasabi na namin, maraming mga naunang tsismis na kaysa riyan, pero this time, talagang on record ang nangyari. Kasi nag-report ang flight crew sa kanilang piloto. Nagsabi rin ang piloto na ipapaaresto niya si Enrique sa paglabag ng batas at paggawa ng kaguluhan sa loob ng eroplano. Napakiusapan na nga lang daw ng ilang executives ng network na huwag nang gawin. Marahil kung short flight lamang iyon, ibabalik din siya at pabababain sa port of origin, kagaya ng nangyari kay Melissa Mendez, nang gumawa rin ng kaguluhan sa isang eroplano. Kung nangyari iyon, maaaring mapagmulta si Enrique ng hanggang kalahating milyong piso, at makulong pa.
Siyempre, wala namang gustong maituro na naging dahilan kung bakit umabot sa ganoong sitwasyon, kaya ano ang aasahan ninyong gagawin nina Jake Cuenca at Paulo Avelino?
Dahil sa over-exposure gimik nina Alden at Maine, posibleng pagsawaan agad ng publiko
Ayon sa mga lumabas na reports, iyong pagkikita nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub ay umabot ng 6.35 milyon tweets sa loob lamang ng dalawampu’t apat na oras. Sinira nila ang sarili nilang record na mahigit na limang milyong posts. Sa ganyang sitwasyon, talagang masasabi mo na ngang isang phenomenon ang AlDub. Pero sa nakikita rin naman namin, over kill na ang treatment at kung hindi sila magiging maingat sa handling malamang pagsawaan agad ang gimmick na iyan.
Pero ang nakakatakot ay ang over exposure. Sa ngayon hindi na nila maikakaila ang katotohanan na over exposed na ang AlDub. Ang masakit, hindi pa nila alam kung pakikinabangan nga nila nang husto ang phenomenon na iyan. Wala pang pruweba ang mga bago nilang labas na mga TV commercials. Wala pa rin naman silang pelikulang naipapalabas, at papaano kung biglang hindi na uso ang Dubsmash? Ano pa ang gagawin nila sa isang Dubsmash gimmick kung hindi na rin uso iyon?