Comfortable sina Matteo Guidicelli at Shaina Magdayao sa taping ng mini-series nilang Single/Single na co production venture ng Cinema One at ng The Philippine Star. Nasa pangatlong linggo na ang mini-series sa Sabado, September 12, na dinidirek ni Pepe Diokno mula sa script ni Lilit Reyes na producer naman ni Bianca Balbuena.
Si Shaina ay si Joee at si Matteo ay si Joey at magka-share sila ng condominium unit na pag-aari ng nanay ni Joey. Sa pagdaan ng mga araw, malalagay sa kakatwa at naughty situations ang dalawa, pero lagi namang kapupulutan ito ng magandang aral sa pagtatapos ng episode.
Nagpasalamat si Direk Pepe na hindi lamang basta masaya ang kanilang serye kundi may kakaibang aral din silang ibinibigay dahil hindi sila binigyan ng limitasyon ng Cinema One sa mga gusto nilang atake sa bawat eksena. Libre silang pag-usapan ang sex, pakikipagrelasyon, basta lahat ng mga pinagdadaanan ng millenials. Kahit sa mga dialogue pwede silang mag-experiment, pwedeng Taglish ang gamitin nila na nakasanayan ng mga dating kung tawagin ay generation X.
Maine inamin na secret dream niya talagang maging artista
Hanggang ngayon pala marami pa ring nagtatanong kung paano nakapasok si Maine Mendoza aka Yaya Dub sa Eat Bulaga. Wala pang nakaka-interview kay Maine na mga entertainment press dahil hindi pa rin siya nagsasalita sa kanilang KalyeSerye ng Juan For All, All For Juan segment ng number one noontime show.
Ayon sa blog post ni Maine, sa kanyang pamilya lamang niya ipinaalam na kinukuha siya ng EB, dahil siya man sa sarili niya ay hindi makapaniwala na kinukuha siya ng noontime show. Siguro raw may nakitang potential sa kanya maliban sa kanyang Dubsmash videos. Hanggang ngayon nga raw tinatanong niya ang sarili niya ng “ano ba’ng ginawa ko? Ano ba’ng meron sa akin? Bakit ako?”
Tinawagan pala siya ng staff ng EB for an interview, and after a few days, tinawagan siya na nakapasa siya at magiging bahagi na ng noontime show. Noon sinabi ni Maine na ‘secret dream’ niyang maging artista na kahit sa family niya, hindi niya sinasabi dahil natatakot siyang mapagtawanan at tingin niya ay hinding hindi naman matutupad ang pangarap niya.
Pinapanood daw muna siya ng Juan For All, All For One segment nang live sa isang barangay at matapos siyang tanungin kung okay sa kanya ang naobserbahan niya at umokey naman siya, sinabing ilo-launch na siya ng Saturday (July 4), as Divina Ursula Bokbokoba Smash aka Yaya Dub (Smash), ang alalay ng sosyal na si Lola Nidora (Wally Bayola) kasama rin sina Jose Manalo at Paolo Ballesteros. Kasunod na noon ay nabuo na ang AlDub loveteam nang ang Problem Solving ay tinawag na ni Joey de Leon na KalyeSerye at isinama na si Alden Richards na nagko-co-host na noon sa EB.
Ngayon, isa na si Maine sa Dabarkads na nagpapasaya, nagpapakilig at nagpapaiyak sa mga manonood araw araw, Lunes hanggang Sabado, ng KalyeSerye hindi lamang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo na may GMA Pinoy TV.