Natawa si Vin Abrenica nang tanungin siya kung ano ang naramdaman niya nang biglang dumating sa presscon nila ng My Fair Lady si Brian Llamanzares, na crush pala si Jasmine Curtis Smith, ang leading lady niya sa Pinoy adaptation ng Koreanovela na ipalalabas na simula sa September 14, 9:30 p.m. sa TV5.
Hindi raw siya affected, natawa lamang siya, dahil he’s not in a relationship naman kay Jasmine, nasorpresa lamang siya. Sa bagong serye na gagawin niya, gumaganap siya bilang si Hero, isang maprinsipyong tao na mahilig sumayaw, isang DJ na napasok sa pagiging isang macho dancer. Malalaman daw ito kung bakit, hanggang sa ma-meet niya si Audrey Tiuseco (Jasmine) at gawin siyang all-in-one assistant at tanging tao na hindi natatakot sa kanyang temperamental boss. Enjoy daw siya sa character na ginagampanan niya at madali silang naging comfortable sa set nina Jasmine at ng ka-love triangle nila sa story si Luis Alandy.
Sa tanong kung ang My Fair Lady ang sagot ng TV5 sa tampo niya na hindi sa kanya naibigay ang lead role ng Baker King kundi kay Mark Neumann, wala raw ganoon. Sila raw ay mga contract stars ng network at may kani-kanila silang career path. Kung si Mark daw ang unang nabigyan ng serye, siya naman ngayon. Every Sunday, napapanood din siya sa Happy Truck Ng Bayan. Nanghinayang daw lamang siya na dahil too busy siya ngayon, kailangan niyang mag-back-out sa isang indie film, ang Mirador, kahit nakapasa siya sa audition at nag-attend na ng workshops. Marami pa raw namang opportunities na darating sa kanya.
Love story nina Alden at Yaya Dub hindi pinakikialaman ng mga bossing
Maraming kuwento hindi lamang ng netizens kundi ng mga sumusubaybay din sa kalyeserye ng Eat Bulaga, noong Saturday, nang sa wakas ay nagkita na sina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub. Nagtala ng panibagong record ang kalyeserye nang makapagtala sila ng pinakamataas na bilang ng tweets, bago nag-midnight ng Saturday, September 5, na-break nila ang 3.6 million tweets nila ng 5.8 million sa hashtag nilang #ALDUBBATTLEForACause.
Kausap namin si Ms. Malou Choa-Fagar, senior vice-president ng TAPE, Inc. after ng Eat Bulaga last Saturday at pinilit namin siyang sumagot kung ano ang mangyayari ngayong Monday - kung magiging maganda na ba ang story dahil nagkita na nga kahit hindi man lamang nagkausap sina Alden at Yaya Dub.
“Remember, kinidnap si Yaya Dub, kaya hindi natin alam kung saan siya dinala o kung aapir ba siya ngayon sa kalyeserye,” sagot ni Malou.
“Ipinauubaya namin sa scriptwriter kung ano ang mga susunod na mangyayari, ako hindi ako nakikialam. Alam ko lamang ang takbo ng script, pero iyong mga emotions na ipakikita nina Jose (Manalo), Wally (Bayola) at Paolo (Ballesteros) lalo na nina Alden at Maine, tulad nang nakita natin sa pagkikita nila, hindi iyon scripted, tunay nilang emotions iyon.”
Sa kung kailan muling magkikita sina Alden at Maine, iyong puwede na ang holding hands at hugs, sagot ni Malou: “sa tamang panahon.”
Binanggit din ni Malou na after ng Eat Bulaga, bumiyahe by car si Wally papuntang Naga City para magpasalamat sa lahat ng blessings na dumarating sa kanilang show, sa Our Lady of Peñafrancia, Patroness ng Naga in Bicol na malapit na ang Feast Day.
Tungkol sa movie sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December, tuloy na raw na kasali sina Alden at Maine, hindi pa lamang siya sure kung ano ang ipapalit sa original title na Rom-Comin Mo Ako na ididirek ni Joey Javier Reyes.