MANILA, Philippines - Ang sekswal na pang-aabuso ay walang pini piling edad o kasarian. Paano kapag ang menor na edad na anak mong lalaki ang pinagsamantalahan ng lalaking hayok sa laman?
Iyan ang tatalakayin nina Atty Jose at Jopet Sison ngayong Sabado (Sept. 5) sa hit legal drama ng ABS-CBN na Ipaglaban Mo.
Nang makilala ng mag-inang Belen (Aiko Melendez) at Eman (Nathaniel Britt) ang malayong kamag-anak na si Ronnie (Justin Cuyugan) agad nila itong nakagiliwan at nakagaanan ng loob. Binuksan nila ang kanilang tahanan at trinato siyang tunay na kapamilya.
Isang gabi ang babago sa mabuti nilang pagsasama nang nahuli sa akto ni Belen si Ronnie na inaabuso ang kanyang inosenteng anak.
Ano’ng parusa ang naghihintay kay Ronnie sa panghahalay na ginawa? Ano nga ba ang nakasaad sa bataas hinggil sa mga kalalakihang inaabuso?
Sa loob ng isang taon, mas pinalawig ng programang Ipaglaban Mo ang kaalamang legal ng mga manonood at mas iminulat ang mga ito sa kanilang mga karapatan at pananagutan sa batas. Sa pangunguna ng hosts na sina Atty. Jose at Jopet Sison, nakapagpaabot din ng free legal consultation sa publiko sa pakikipagtulungan sa Tulong Center ng ABS-CBN.
Pakatutukan ang Ipaglaban Mo episode na Inabusong Inosente ngayong Sabado (Sept. 5) pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN.