MANILA, Philippines – Dumalo muna si Dingdong Dantes sa press launch ng show na Starstruck 6 bago siya lumipad kahapon papuntang New York City para sa GMA Pinoy TV show kasama sina AiAi de las Alas, Christian Bautista at Julie Anne San Jose.
Hindi lang kasi magsisilbing host ang Kapuso Primetime King kundi ipararamdam din niya ang pagiging judge niya sa 35 hopefuls na matutunghayan na ng publiko simula sa September 7. Eh, more than ten years na ang GMA talent search kaya proud si Dong na maging bahagi ng programa kung saan maraming buhay ang binago ng palabas.
“For me bahagi na ako ng Starstruck. Nakakatuwa na mula nu’ng unang season, nakikita ‘yung developments ng nanalo at naging bahagi nito. Hindi ako kailangang tanungin dahil very grateful ako na still, na-consider ako,” saad ni Dong.
Pero sa naging winners ng talent search, ang pinaka-biggest winner ngayon sa Kapuso actors ay si Alden Richards na isang reject sa Starstruck at iba pang artista search na pinasukan. Eh, isa si Alden sa nakasama ni Dong sa My Beloved at nakahalikan pa ng asawa niyang si Marian Rivera nang gawin nila ang drama series na Carmela.
Ano naman kaya ang masasabi niya sa kasikatan ng aktor?
“I think his time has come. I have worked with him in My Beloved. Nakita ko ang kanyang dedication sa work. Dahil sa isang napakagandang opportunity, ito ang nangyari sa kanya!
“At the end of the day, we are all part of GMA. We are part that he is with us! We are proud that he is with us! So lahat tayo ay team players. Personally, I will support him. Just like Startsruck, binibigyan natin ang hopefuls, ang mga bagong artista na sumunod sa yapak ng good examples na gaya ni Alden and Rocco, Kris, Miguel and Mark.
“That is why gagawin natin ang lahat dito para ma-ensure na pagkalabas nila sa show na ito ay makakamit nila ang lahat ng pangarap nila and maybe even more than whoever is existing!” may himig pulitikong sagot ni Dingdong.
Angelu hindi nilihiman ng kanyang mga kagagahan ang mga anak
Maldita ang ramdam ni Angelu de Leon at hindi rebelde tuwing naaalala ang kagagahan niya dahil sa pag-ibig. Pero tapos na raw ang panahon na ‘yon dahil nag-mature na siya’t may apat nang anak, tatlo sa kanya at isa sa asawang si Wowie Rivera mula sa unang wife.
Sixteen years old na ang panganay nila ni Joke Diaz na si Nicole. Tinanong nga raw niya ang dalaga kung gusto na nitong mag-artista. Natuwa naman ang aktres nang sabihin ng anak na gusto muna nitong tapusin ang pag-aaral bago pasukin ang showbiz.
So paano niya pinapayuhan ang anak na huwag sundan ang ginawa niya noong bata pa siya?
“Naging honest naman ako sa kanila. Sinabi ko eversince I had them. I was very open whatever has happened in my life. Ang lagi kong sinasabi sa kanila, I have committed my mistakes. My own mistakes. You have to commit your own mistakes. Wag na ninyong gayahin ang sa akin!” pahayag ni Angelu na aming makausap sa taping ng Buena Familia.
Payo pa ni Angelu sa mga anak, “Don’t ever think you’re invisible. ‘Cause baka sa paningin ninyo, ‘Ah, wala naman akong kakilala sa mga lugar. Na gawin ninyo ang kahit ano. Baka ‘yung nasa paligid ninyo, hindi n’yo man kilala, kayo kilala bilang anak ko!’
“It only comes to a point na kailangan naming mag-usap nang masinsinan. Kasi parang sa akin, ngayon, okey kami ng mommy ko. Kung anuman ang ginawa sa akin ng mommy ko noon, I try to change it! Kasi ‘yung wala sa amin dati ng mommy ko ang communication eh! kasi daddy’s girl.
“Ngayon, I’m open to my kids. Sinasabi ko sa kanila. Wala tayong generation gap! Kumbaga, lahat ng galaw nila, ginagawa ko rin! Lasting I don’t want magmukha akong tanga! Kung puwede namang gawin, hindi ko sila pipigilan!” inang-inang katwiran ni Angelu.
Viva Films nagpu-produce na rin ng show sa TV5
Maging sa Corporate Communication pala ng TV5 ay nagkaroon ng retrenchment, huh! Ina-outsource na nila ang press relation works ng shows na ipalalabas.
Eh, sa bagong show ni Jasmine Curtis-Smith na adapted na sa Koreanovela na My Fair Lady na ganoon din ang title, iba na ang namamahala ng publicity ng TV series. Ito ang tini-tape ng director na si Ricky Rivero nang atakehin siya sa puso, huh!
Kasama ni Jasmine sa series sina Eddie Gutierrez, Vin Abrenica, Marjorie Barretto at iba pa.
Pero ang dinig namin, iba-iba na yata ang magpu-produce ng entertainment show sa TV5 at isa na roon ang Viva Films.
So wala namang palang katotohanan na tigil na ang network sa pagkakaron ng entertainment shows, huh!