Pilot telecast ng MariMar, humamig ng mataas na rating

Masaya ang buong cast and crew ng GMA primetime teleserye na MariMar dahil sa bonggang ratings na natatanggap ng show.

Ang kanilang pilot noong August 17 ay nakakuha ng 25.1%.

Noong nakaaraang Monday naman ay nang lumitaw na si Megan Young bilang ang dalagang MariMar, nakakuha ito ng rating na 25.8%.

Kaya naman sa nationwide rating (NUTAM) ay kasama ang MariMar sa top ten shows na may pinakamataas na audience viewership.

Nang makarating nga ito sa mga bida ng MariMar na sina Megan at Tom Rodriguez, labis ang tuwa nila dahil hindi nila inaasahan na aabot sila sa gano’ng kataas na rating.

Maging ang buong production staff ng MariMar ay masayang-masaya. Sulit daw ang mga hirap nila sa location at sa pagpupuyat nila para makapag-produce ng magagandang episodes araw-araw.

Noong Martes ay lumabas na si Tom bilang si Sergio Santibañez at nakita niyang sumasayaw si MariMar sa Isla Lulu-Lili. Lalabas na rin sa linggong ito ang ibang characters na ginagampanan nila Jaclyn Jose, Lauren Young at Candy Pangilinan.

Ang MariMar ay mula sa direksyon ni Dominic Zapata.

Wally hindi makapaniwala sa kanyang kasikatan

Overwhelmed pa rin ang komedyanteng si Wally Bayola na naging topic siya sa Kapuso Mo, Jessica Soho noong nakaraang Linggo dahil sa pagbigay-buhay niya kay Lola Nidora ng KalyeSerye ng Eat Bulaga.

Bawing-bawi na nga raw si Wally sa pagkakalugmok niya noong 2013 na noo’y naisip niyang baka hindi na siya makabalik pa sa telebisyon.

Pero dahil sa kanyang pagpakita ng loyalty at mahabang paghintay ay pinabalik siya sa Eat Bulaga at nangakong babawi ito sa pagkakamali na ginawa niya.

And the rest, as they say, is television history dahil sa pumatok ang KalyeSerye na naglikha sa phenomenal tandem na AlDub.

Sa pagbuo ni Wally ng kanyang character na Lola Nidora, dalawang aktres daw ang naging peg niya. Si Celia Rodriguez at Jaclyn Jose.

Ayon kay Wally: “Sinasabi rin na ano ka, donya ka rito, mayaman. So ‘pag sinabing mayaman,‘yung tipong powerful na ganung klaseng karakter na mala-Celia Rodriguez, na ang boses mala-Jaclyn Jose minsan.”

Ikinakagulat nga raw minsan ni Wally ang mga natatanggap niyang congratulatory messages mula sa iba’t ibang celebrities at mula sa ibang mga fans na mula pa sa ibang bansa.

“Nakakagulat kasi maraming nag-congratulate mga galing sa ibang bansa, mga ganun. So natutuwa kami na talagang inaabangan pala talaga nila.

“Isa lang iniisip namin, talagang baka ‘di kaya marami na ang mga nalulungkot at gustong maraming tumawa?” pagtatapos pa ni Wally Bayola.

Sikat na tennis player na si Venus Williams, dala-dalawa ang degree!

Hindi lang sikat na tennis player sa buong mundo si Venus Williams. Isa na rin siyang college graduate.

Natanggap na ni Williams ang kanyang Bachelors of Science in Business Administration degree mula sa Indiana University.

Ang U.S. Open champion ay nag-enroll sa isang online class ng naturang university noong 2011. Nakumpleto nga niya ang kanyang degree noong nakaraang August lamang.

Habang papunta sa Cincinatti si Williams para sa isang tournament, dumaan muna siya sa campus ng Indiana University in Richmond para ma-pick up ang kanyang well-deserved diploma.

“I’ve learned so much. It was always my dream to have a business degree, and I ended up going to art school so many times, but in the back of my head I felt like I needed the tools to be a better leader, to be a better planner, to be better at all of the things I wanted to do in my businesses because I’m so hands-on,” ayon pa kay Venus sa isang magazine interview.

Ang business na itatayo ni Venus ay makakatulong sa existing businesses nila ng kanyang kapatid na si Serena Williams na isang clothing line, interior design firm at ang co-ownership ng Miama Dolphins football team.

Ito ang second degree ng 35-year old na si Venus na may associate degree in fashion design from Art Institute of Ft. Lauderdale in 2007.

Show comments