Mga lihim ni Heneral Luna, mabubunyag na!

MANILA, Philippines – Hindi pa man naipapalabas sa sinehan, umani na kaagad ng papuri ang pelikulang Heneral Luna mula sa local at foreign critics, movie fans, ordinaryong estudyante, at pati na ang Flipino-American communities sa U.S.

Layunin ng pelikula na maipaalala sa bawat Filipino ang kahalagaan ng pagkilala sa paksa ng pulitika at pati na rin ang pagkakaro’n ng malalim na pagmamahal at pagpapahalaga sa bansang Pilipinas.

Prinodyus ang Heneral Luna ng Artikulo Uno Productions at idinirek naman ito ni Jerrold Tarog.

Ang biopic movie na ito ay base sa buhay ng matapang na si General Luna na gagampanan ni John Arcilla.

Kasama sa powerhouse cast ang seasoned actors na sina Mon Confiado (Emilio Aguinaldo), Epy Quizon (Apolinario Mabini), Leo Martinez (Pedro Paterno), Nonie Buencamino (Felipe Buencamino), Bing Pimentel (Doña Laureana y Novicio), Mylene Dizon (Isabel), Ketchup Eusebio (Captain Pedro Janolino), Arron Villaflor (Joven Hernando), at Paulo Avelino (General Gregorio del Pilar).

Ang script ng Heneral Luna ay naisulat 17 years ago ni E.A. Rocha at ng yumaong si Henry Hunt Francia. Nahanap nga ni Direk Jerrold ang materials at ini-revised niya ito para sa mas madaling maintindihan ng mga manonood.

Maraming mapangahas na tanong ang mabibigyan linaw sa pelikulang Heneral Luna, isa na rito ang mga tanong kung totoo bang bayani si General Luna o isang manlilinlang? Bakit siya kinakatakutan hindi lamang ng mga sundalo kundi pati na rin ng kabinete ni Presidente Emilio Aguinaldo?

Sinabi naman ng bidang si John Arcilla, na marami na ring nagampanan na role base sa mga bayani ng Pilipinas, “The issue here is bigger than the movie, and even bigger than General Luna himself!

“In more way than one, this is a timely wake-up call for all of us. It makes us question our Filipino psyche, and makes us ask why we, despite the hundred years or so that have transpired, haven’t really changed at all as a nation,” pahayag ng aktor.

Para naman kay Direk Jerrold na aktibo sa mga pelikula dito at maging sa ibang bansa, “For a filmmaker there’s no better sense of fulfillment than to create that kind of impact with his audience, and I’m very happy that Heneral Luna has inspired a ‘cultural awakening’ of sorts among today’s younger generations,” sabi ni Direk Jerrold.

Isinulat naman ni Ebe Dancel ang theme song ng Heneral Luna, ang Hanggang Wala Nang Bukas na napapakinggan na sa FM stations.

Ang Artikulo Uno kasama ang HERO Foundation ay magkakaro’n ng invite-only screening para sa HERO scholars. Ang organisayon ay itinayo ni retired AFP Chief Renato de Villa, kung saan tinutulungan nilang makapag-aral ang mga anak ng napatay na sundalo o ng mga sundalong wala nang kakayanan para tustusan ang kanilang pag-aaral.

Show comments