Nakaaaliw tingnan si Alex Gonzaga sa kanyang mga patawa mapa-hosting, acting, o TV commercial. Pero hindi sa latest na TV commercial niya na kumakain ng sitsirya.
Okey na sana dahil ang ganda ng dating niya at convincing, kaso tama ba na mang-agaw ka ng straw sa isang estrangero na lalaki pa man din? Ang huli pa niyang ginawa ay ginamit ni Alex na pansipsip ang straw para simutin ang laman ng sitsirya, kadiri ‘di ba? I’m sure nu’ng kunan ni Alex ang TV ad, hindi niya aktuwal na ginawang isubo sa bibig ang straw na galing sa lalaking hindi niya kilala.
Marami pa namang follower si Alex na mga bagets na gumagaya sa mga ginagawa niya. Baka akalain ng mga bata tama ang ginawa ni Alex na paulit-ulit na ipinakikia sa TV commercial. Paulit-ulit pa ngang napapanood ang nasabing commercial ni Alex.
Bakit kaya pumayag si Alex na magmukha siyang walang manners sa TV ad? Hayss.
Kaya tuloy may something din ang dating ng commercial na hindi pasado sa kagandahang asal na nakalusot sa mga kinauukulan.
Sharmaine proud na proud sa henyo niyang anak
Proud mother si Sharmaine Santiago sa anak niyang baby boy na si Reese na 6 years old na ngayon. Bale ba accelerated ang bagets na nasa grade two na sa Montesorri school.
Tuwang-tuwa si Sharmaine dahil nakatipid siya ng halos tatlong taon dahil grade II na agad ang kanyang anak. Ipinagmamalaki pa ni Sharmaine na sa edad din nito, magaling na itong tumugtog ng piano, guitar, at drums na dagdag pa ang sobrang talino ng anak niya.
Siyempre proud din ang lola ni Reese sa father side nito na isang alumna ng UP Diliman na gustong ipa-enroll ang bata sa nasabing university, pero pinag-iisipan pa ni Sharmaine dahil plano rin sana nilang ilipat ang anak sa Ateneo naman.
Proud father din ang tatay ni Reese na may-ari ng pinakamataas na building sa Australia. Hindi man nagkatuluyan si Sharmaine at tatay ni Reese, civil at friends naman daw sila para sa kanilang anak.
Professional mother ang tawag ni Sharmaine sa kanyang sarili dahil tutok daw siya sa kanyang anak na minsan ay bitbit rin niya sa kanyang taping sa Healing Hearts, hosting sa Walang Tulugan with the Master Showman, at sa kanyang mga stage play.
Samantala, masaya si Sharmaine na bago matapos sa September ang Healing Hearts ay nakasali siya. Hanggang isa lang daw ang kaya niyang teleserye sa GMA-7, at hindi niya kayang maglagare pa dahil nga may hosting din siya sa Walang Tulugan, madugo rin ang sinalihan niyang stageplay kung saan iniikot nila sa eskuwelahan at hindi rin siya nawawala sa kanyang mga out of town show.