Hulaan n’yo kung sino ang bagong artistang makakasama sa cast ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.
Sagot: Richard Yap.
Gaganap bilang dating kakilala at malamang na manligaw din naman kay Vina Morales na ina ni Loisa sa serye ang character ni Richard.
May something in common sina Vina at Richard, pareho silang tubong Cebu.
Tulad ni Vina, sunud-sunod din ang project ni Richard sa ABS-CBN. He was featured, together with Enchong Dee in the episode, Wansapanataym presents Kung Fu Chinito.
Denise na-e-enjoy ang pagtataray kay Vina
Speaking of Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, lalong dumarami ang nagagalit kay Denise Laurel, obviously dahil sa kanyang pagiging very effective bilang kontrabida sa sikat na teleserye.
Nagpapasalamat daw si Denise at hindi siya nag-atubili ng unang i-offer sa kanya ang role na ito. Binaliwala niya ang pangyayaring marami na siyang pinagbidahang mga show.
To date, itinuturing ni Denise na pinakamagandang eksena sa Nasaan Ka Nang Kailangan Kita tuwing nagkakaroon sila ng confrontation scene ni Vina.
Papel kasi ng isang kabit ng asawa ni Vina na ginagampanan ni Christian Vasquez ang role ni Denise. May isa silang anak na lalaki, samantalang dalawa naman ang anak nila ni Vina na malalaki na.
Sa tunay na buhay, may isang anak din si Denise sa isang basketball player.
Hindi sila kasal ng ama ng kanyang anak.
Lovi namana kay FPJ ang pagmamalasakit sa mga bata
Namana pala ni Lovi Poe sa kanyang ama, ang yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. ang pagiging mabait at matulungin, lalo’t sa mga batang kalye.
Kung minsan nagdadala daw ito ng mga libro para turuan ang mga bata.
Pangarap daw ni Lovi na ang mga bata sa nabanggit na institusyon ay magkakaroon ng pagkakataon na magkapag-aral. Ganundin ang mga iba pang bata.
“Napaka-importante ng edukasyon”, sabi ni Lovi.
“Sana maunawaan ito ng mga bata at ng kanilang mga magulang,” pakli ni Lovi na itinaon sa kaarawan ng kanyang ama sa pagdalaw sa Childhope.
Bukod sa series na Beautiful Strangers, Lovi is also in the cast of Lakambini, isang pelikula tungkol kay Gregoria de Hesus, na asawa ng bayaning si Andres Bonifacio.
Teddy hindi nagdamot sa gustong mag-aral sa Korea
Sa totoo lang, nami-miss namin sa It’s Showtime, noontime musical show ng ABS-CBN ang segment na nagtatampok sa dalawang bata na parehong bibo at cute.
Touch kami sa isang portion ng show ng tinawag nila ang isang estudyante na nangangailangan ng 8,000 pesos para makatulong ang halaga sa kanyang pag-alis bilang isang exchange students sa isang university sa Korea.
Na-impress kami kay Teddy Corpuz dahil hindi siya nag-alangan at bumunot siya sa kanyang wallet ng 10,000 pesos at inabot sa dalaga.
More power, Teddy. More power, It’s Showtime.