Hanep si Coco Martin, ang galing-galing ng akting sa soon to be seen action serye sa ABS-CBN next week, ang Probinsiyano na kung natatandaan pa natin ay pelikula ng yumaong si Da King, Fernando Poe, Jr.
Galing mo Coco Jam, I’m sure ang saya-saya ng Hari ng Action movies sa kinalalagyan niya sa kabilang buhay. Sayang hindi na kayo nag-abot, sana nagkakilala kayo.
Okey lang tawaging hanep si Coco pero magiging hayup siya sa pagtatapos ng serye sa telebisyon. E, kasi bale five episodes lang ang aming napanood sa ginanap na tribute at screening ng Ang Probinsiyano sa Cinema 7 Trinoma Mall na dinaluhan ng friends, fans and families ni Da King na sina Susan Roces, Sen. Grace Poe-Llamanzares and family, Dolor and Emma Guevarra, lahat ng cast sa pangunguna ni Coco, Maja Salvador, Arjo Atayde, Jaime Fabregas, mga artistang sina Eddie Garcia, Sylvia Sanchez at ang magaling na director na si Malin Sevilla.
Natural na aapir ang mga astig ng network, ang mga writers, directors ng iba’t-ibang show todo support sa success ng isa sa mga big event ng ABS-CBN.
Natawa ako kay Kapamilya Eric John Salut dahil siya ang host at lahat ng mga pumapasok sa Cinema 7 ay alam niya ang mga name, isa-isang ipinakikilala. Syempre, member of the press kaya turol na turol niya ang pangalan. Nang banggitin ang name ko, isa raw ako sa kababata ni Da King. I beg to disagree, not kababata kundi naging “bata”, yung salitang “bata” ibig sabihin syota or karelasyon. Hindi po, naging isa ako sa mga libu-libong “bata” or isang movie fan, tagahanga, at die hard follower.
Panahon ng sikat na grupong Lo Waist Gang ang pelikula nina FPJ, Tony Cruz, Boy Sta. Romana, Bobby, Zaldy Zshornack at Herminio Bautista (ama ni Q.C. Mayor Herbert Bautista). Dahil sikat, madalas silang ma-bully at madalas din naman sila pumatol. One night nasa isang party sila. Nandoon ako kasama ang barkada ko. Nagkagulo ng grabe na parang may riot ang mga gang. Hanggang sa naiyak ako sa takot. Lalo na ng tamaan kami sa ulo ng isang bato hanggang sa sumaklolo na ang mga lespu at kami ay umuwi na. Sobrang lukot ko pa nu’n dahil nahubaran ang sapatos sa kanang paa ko, ang masaklap pa ay hiniram lang ng nanay ko ang sapatos na ‘yun sa kapit bahay kaya nagalit ang madir ko at sinabunutan ako. Hay.. Those were the days!
Susan hindi naitago ang luha sa pagka-miss kay FPJ
Tumagilid ang luha sa mata ng the one and only ES - AR, none other than Susan Roces, ang nagtataglay ng titulong the face that refreshes noong mga younger years niya, yet taglay pa rin niya kasi ang kinis pa rin ng ng kanyang kutis ha, maganda at walang retoke ang fez.
Bisitang pandangal si Madam Susan sa big event sa Trinoma with the people close to her. Si Baby K. Jimenez, isang kapwa sa hanapbuhay at number one fan ng aktres ang nagbinyag ng ES - AR kay Ma’am Susan. True, may luha sa mata si ma’am. Kasi alive pa rin ang mga nagmamahal kay Da King. Siya ang gumaganap na ina ni Coco Martin.