Derek hindi raw tatanggap ng proyekto na nakakasakit ng iba

Todo-explain sa pelikula nila ni Coleen 

Tama naman ang paliwanag ni Derek Ramsay tungkol sa kanilang pelikulang Ex With Benefits. Iyon ay isang love story at ang kuwento ay tungkol sa lovers na after ten years ay nagkita at nagkagustuhang muli. Hindi naman iyon tungkol sa isang propesyon.

Kailangang magpaliwanag ni Derek dahil sa protesta ng mga professional service representatives, o iyong tinatawag na mga med reps, dahil nakakasira raw sa kanilang propesyon ang pelikula. Kuwento kasi iyan ng isang doctor, si Adam, na after ten years ay nakitang muli ang dati niyang girlfriend na si Arki. Nagkaroon sila ng intimate moments ulit. Nagkataon lang na sa kuwento ay doctor nga si Adam at med rep si Arki, pero hindi naman sinasabing sumiping si Arki sa dati niyang boyfriend for other reasons. Kaya kung iintindihin mo ang kuwento, hindi naman masasabing nakakasira sa mga med rep ito.

Nagkataon lang na iyon ang propesyon ng mga characters eh. Maaari rin namang maging abugado ang propesyon ni Adam, o ano man at mangyayari rin ang ganoong kuwento. Sabi nga ni Derek unfair naman na pag-isipan agad nang hindi maganda ang kanilang ginawang pelikula ganoong hindi pa naman nila napapanood o nalalaman ang kuwento dahil ang basehan lamang nila ay iyong trailer ng pelikula.

Ang sinasabi nga ni Derek, wala siyang objections kung may magreklamo man sa kanila kung talagang offensive ang kanilang pelikula, pero sana panoorin muna para malaman kung may basis nga ang kanilang reklamo.

Sabi nga niya, hindi rin naman siya gagawa ng isang pelikula na alam niyang makaka-offend sa damdamin ng kahit na sinong mga tao. Sinabi niyang wala siyang nakitang masama sa kuwento o sa script ng kanyang pelikula kaya niya tinanggap iyon.

Fans nina Daniel at Kathryn ayaw pataob sa Aldub fans

Sinasabing umabot sa mahigit na dalawang milyong tweets ang inani ng AlDub (Alden Richards-Yaya Dub) noong Sabado dahil sa suporta ng kanilang fans na ipinakita sa pamamagitan ng social media.

Pero may hamon naman ang kabila. Nanawagan din ang fans ni Daniel Padilla, na ang pagpapakita raw ng unang kissing scene nila ni Kathryn Bernardo ay gawin din nilang trending sa social media at ang hinihingi nila, sana u­mabot ito ng tatlo o apat na milyong tweets sa Twitter.

Hindi mo masasabing bawa’t isang tweet ay nangangahulugan ng isang nanonood ng show. Hindi naman iyan one is to one eh. May fans na maaaring mag-tweet kahit na isang daang ulit o higit pa. Die-hard fans nga ang mga iyan eh. At maghapon nga ring nakababad sa computer, maski na isang libong posts kaya ng mga iyan.

Pero kahit na nga sinasabi naming hindi naman one is to one iyan, hindi rin naman natin maikakaila na mayroon namang mga nanoood na hindi nag-tweet. Kaya magandang basehan ang social media posts para malaman natin ang impact talaga ng isang show sa audience.

Natural, dapat nating asahan na mas marami ang nanonood kay Daniel Padilla dahil nasa primetime naman ang show niya. Ang AlDub ay nasa noontime naman.

Ang nanonood sa noontime, natural lang na mas kaunti kaysa sa nanonood sa primetime. Kaya kung sasabihin nila na aabot sa apat na milyon ang tweets nila sa primetime, hindi nakapagtataka iyon. Pero papaano kung mas malaki pa rin ang lumabas na dalawang milyon na tweets ng AlDub fans? Papaano kung hindi sila umabot sa ganoong bilang?

Show comments