Tila na-torn among his women si Coco Martin dahil sa pagdalo ng kanyang mga leading ladies na dumalo sa tribute screening for Fernando Poe, Jr, Ang Probinsiyano na ginanap sa Trinoma Mall last Thursday night.
Siyempre, naroroon ang dalawang leading ladies niya sa serye na sina Maja Salvador at Bela Padilla plus ang nali-link sa kanya at naging leading lady niya sa marami niyang project, si Julia Montes.
Actually, mas tamang sabihin na torn between Maja and Julia si Coco dahil ang dalawang ito naman talaga ang dalawang babaeng natsismis (at natsitsismis pa rin) sa kanya.
But of course, dahil si Maja ang leading lady niya sa Ang Probinsiyano kaya ito ang kanyang katabi with the members of the cast tulad nina Bela, Arjo Atayde, Jaime Fabregas, Agot Isidro at ang lalong nagpanigning ng gabi, Ms. Susan Roces.
Hindi kasama sa cast si Julia pero dumalo siya bilang suporta kay Coco at sa Dreamscape Entertainment. Ang iba pang Kapamilya stars who were there para ipakita ang kanilang suporta ay ang On The Wings Of Love stars na sina James Reid at Cherry Pie Picache, sina Tonton Gutierrez, Dawn Zulueta, Lorna Tolentino at ang kumanta ng theme song na si KZ Tandingan.
Dumating din of course ang anak ni Da King FPJ na si Sen. Grace Poe-Llamanzares kasama ang kanyang anak na si Bryan.
Itinaon ng Dreamscape Entertainment sa mismong araw ng kaarawan ni FPJ idaos ang screening bilang pagbibigay-pugay at tribute na rin para sa nag-iisang Hari ng Pelikulang Pilipino.
Sa panayam after the screening ay sinabi ni Tita Susan na nagandahan siya sa serye at parang movie raw ang pagkakagawa nito.
“Nakakatuwa, parang pelikula. I can’t get over it. Maraming salamat sa ABS-CBN, maraming salamat sa Dreamscape, talagang binusisi nila para maging karapat-dapat sa panlasa ng mga viewers. This project is to continue on the advocacy of FPJ to honor our policemen,” pahayag ni Tita Susan.
Nagpasalamat din ang Queen of Philippine Movies kay Coco sa pagsasabuhay ng Ang Probinsiyano. As we all know, ang aktor ang nag-suggest sa Dreamscape na i-remake nila ang naturang FPJ classic movie.
Tuwang-tuwa rin si Sen. Grace sa ibinigay na tribute bilang pag-alala sa kanyang yumaong ama.
Ngayong Setyembre na mapapanood ang Ang Probinsiyano sa primetime slot ng ABS-CBN.
Felix Manalo posibleng magka-world record sa rami nang a-attend sa premiere night!
Aminado si Dennis Trillo na marami siyang hirap na dinaanan while doing the epic bio-flick na Felix Manalo kung saan ay ginagampanan niya ang papel na Ka Felix Manalo, the founder and the first Executive Minister of Iglesia ni Cristo (INC).
Bago pa lang gawin ang movie ay katakot-takot na preparasyon na ang ginawa ng aktor.
“Sa preparasyon, marami po kaming pinagdaanan. Nag-immersion po kami, kinausap po kami ng mga ministro, ni-lecture-an po, backgrounder, binigyan po kami ng mga babasahin and siyempre po, pinag-aralan namin ‘yung script.
“Ako po, maaga pa lang, nun’g nalaman ko po na ako po ang gaganap, nag-research na ako sa YouTube, tiningnan ko kung may mga videos ba para makita ko ‘yung hitsura niya, kung paano siya nagsasalita, ‘yung pamamaraan ng tono ng pananalita niya,” ssbi ni Dennis.
Unfortunately ay wala na raw siyang nakitang videos at puro audio recordings na lang ang pinagbasehan niya.
Isa pang malaking challenge sa kanya, in real life ay hindi siya INC at isa siyang Katoliko kaya kinailangan din niyang pag-aralan ang relihiyon para mas magampanan niya ang kanyang karakter.
Pero sulit naman ang lahat ng paghihirap ni Dennis dahil sa trailer pa lang ay napakarami nang pumupuri sa kanyang pagkakaganap. Puring-puri rin ng entertainment press ang kalidad ng pagkakagawa ng pelikula at maraming humuhula na baka humakot ito ng awards next year at maka-grand slam ang aktor bilang Best Actor.
Showing na ngayong Oct. 7 ang Felix Manalo mula sa direksyon ni Joel Lamangan under Viva Films. Also in the film is Bela Padilla na gumaganap naman bilang Ka Honorata, ang asawa ni Ka Felix. Star-studded ang movie actually dahil sa rami ng artistang kasama rito.
Magkakaroon din ng malaking premiere night ang pelikula na gaganapin sa The Philippine Arena na may 55,000 seating capacity. Kapag nagkataon, this will be the biggest premiere night ever sa buong mundo at maaaring mapasama sa Guinness World Records for the largest attendance at a film screening.