^

Pang Movies

Luis atras na 2016, ‘di raw handa!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa gitna ng mainit na pinag-uusapan ngayon ng buong sambayanan kung tatakbo ba o hindi si Batangas Governor Vilma Santos bilang Vice President ng ating bansa, tila wala namang pakialam ang Star For All Seasons tungkol dito dahil hayun at buong ningning siyang nagsu-shooting ng movie niya with Angel Locsin and Xian Lim na wala pang titulo under Star Cinema.

Pinasyalan namin si ate Vi sa shooting last Thursday kung saan ay nilinaw niya once and for all na talagang wala siyang ambisyon, balak, o interes na tumakbo bilang Vice President. Final answer na raw ito at talagang wala na raw makakapabago pa ng kanyang isip.

Ang isa sa mga rasong ibinigay ng Gobernadora, hindi raw siya prepared para sa nasabing posisyon. Napakalaking responsibilidad daw ang kaakibat ng pagiging Bise Presidente at sa tingin daw niya ay hindi pa siya talaga handa para rito.

Gusto ring linawin ni Gov. Vi na wala kahit ano’ng formal talk na naganap or nagaganap tungkol dito.

“Walang formal talks. Mga ano ‘yan, publicity, pasaring. But a formal talk, wala. That’s why I’m not entertaining it. Puwede ko kayong sagutin kung may formal na usapan. Wala naman, eh.

“That’s why, maski ‘yung mga radio na nag-iimbita, sorry po sa kanila, wala akong sasabihin because there’s no formal talk,” say pa ni Ate Vi.

Ano ang puwedeng maka-convince sa kanya para tumakbo bilang Bise Presidente?

“Wala because I am not prepared for that kind of position because I don’t want to sacrifice my family,” she said.

Marami naman daw magagaling na puwedeng tumakbo para sa nasabing posisyon at nagkataon lang daw talaga na kilala siya dahil nga isa siyang Vilma Santos.

“Sa totoo lang, maraming magaling and prepared for that position, marami. You know kasi sometimes, they’re just relying on the name. Kasi I am Vilma, kilala ako. ‘Yun, eh. Pero kung tutuusin mo, ‘yung talagang gustong magtrabaho who can really serve and deliver well, marami sila.”

Naniniwala rin daw siya na magiging isang mabuting Presidente si Mar Roxas ng bansa.

“I think, Mar will be a good President. Aminin man natin o hindi, may magandang pundasyon naman na iniwan si President P-Noy. Ang mangyayari lang niyan siguro, the best na pupuwedeng magawa kung gustong ituloy ang Tuwid na Daan, we have to do some interventions, do some innovations, kung ano ang kakulangan, baka ‘yun ang ma-improve.”

Huling termino na ni Ate Vi bilang Governor ng Batangas at kinumpirma niya na baka tumakbo siya sa Kongreso.

Natanong din namin kay ate Vi ang tsansa ng pagpasok ng anak niyang si Luis Manzano sa pulitika pero say ng Gobernadora, sa tingin daw niya ay hindi pa rin prepared si Lucky.

“Si Luis, ask him, but I don’t think my son is prepared. At hindi ko naman papayagan ang anak ko na...kasi it’s a sacrifice. Hindi ko papayagan ang anak ko na para sabihin na “kasi, lucky”, no. Kasi, hindi madali, eh, hindi madali,” pahayag ng Gobernadora.

Pero kung pag-aasawa ang pag-uusapan, ani Vi ay okay sa kanya sakaling lumagay na sa tahimik si Luis at ang girlfriend na si Angel Locsin.

“Nasa right age na rin si Lucky, eh. Happy naman sila (ni Angel). But of course, it’s not my decision, (it’s) their decision, but I can see that they’re both happy, they’re both mature.

“Pero hindi ako pupuwedeng mag-overboard. Aware ‘yung utak ko na hindi ko sila puwedeng i-overboard na “o, anak, ha?” I cannot. Hindi ako ganun’g magulang.

“I’m here to support, I’m happy to see my son happy with Angel, they’re both happy, pero to go overboard na “sige na!”, no.” say pa ni Ate Vi.

Isa pang nilinaw ni Ate Vi ay ang mga espekulasyong ang asawa niyang si Sen. Ralph Recto ang tatakbo bilang Governor ng Batangas at papalit sa kanya.

Aniya ay hindi raw ito totoo at hindi raw tatakbo ang mister niya bilang Governor.

ACIRC

ANG

ANGEL LOCSIN

ATE VI

BISE PRESIDENTE

HINDI

PERO

STRONG

VICE PRESIDENT

VILMA SANTOS

WALA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with