Kumpirmado, Ate Vi tatakbto sa 2016!

Kinumpirma ni Governor Vilma Santos-Recto na kakandidato ito na kongresista sa isang distrito ng Batangas province sa darating na eleksyon kaya malinaw na walang katotohanan ang mga tsismis na magiging running mate siya ni DILG Secretary Mar Roxas sa 2016.

Dahil nagsalita na si Mama Vi, wish ko lang na matapos na ang mga haka-haka na siya ang bise-presidente ni Papa Mar sa 2016 elections.

Hindi naman kasi ilusyonada si Mama Vi ‘no! Alam niya ang kanyang kapasidad kaya wala talaga sa bokabularyo niya ang kumandidato na bise-presidente ng ating bayang magiliw.

Alam na alam ni Mama Vi na hindi madali ang maging bise-presidente at higit sa lahat, ang kanyang pamilya ang priority niya.

Mar-Vi na tarpaulin, maraming pina-hopia

Overwhelmed si Mama Vi dahil mismong ang mga kababayan niya sa Batangas ang kumukum­binsi na kumandidato siya bilang bise-presidente.

Nakakataba ng puso ang malaking tiwala ng mga Batangueño sa kanilang gobernadora pero wala talaga sa plano nito na tumakbo para sa nasa­bing posisyon.

Nagugulat nga si Mama Vi dahil parang mga kabute na nagsulputan sa maraming lugar ng Batangas ang mga tarpaulin ng Mar-Vi. Sorry na lang sa mga hopia dahil mas gusto ni Mama Vi na maglingkod bilang kongresista.

Star for All Seasons magmamayaman naman tulad ni Meryl Streep

Wala pang title ang pelikula na ginagawa nina Mama Vi at Angel Locsin para sa Star Cinema.

Si Joyce Bernal ang direktor ng project na balak na ipalabas sa mga sinehan sa October 2015.

Ang sey ni Mama Vi, ibang-iba ang karakter niya sa pelikula dahil mayaman ang kanyang role na inspired ng papel na ginampanan ni Meryl Streep sa Devil Wears Prada.

Matagal-tagal na rin mula nang gumanap na mayaman si Mama Vi sa big screen.

Dennis at Bela napaboran sa pagba-back out ni Albert sa Felix Manalo

Nagkasama na sina Bela Padilla at Dennis Trillo sa isang teleserye na napanood noon sa GMA News TV kaya komportable na sila sa isa’t isa nang gawin nila ang Felix Manalo, ang filmbio ni Felix Manalo, ang first executive minister ng Iglesia ni Cristo.

Parehong challenging ang mga role nina Bela at Dennis na biglang humaba nang mag-decide si Albert Martinez na mag-back out dahil sa kanyang misis na si Liezl Sumilang.

Si Albert ang gumaganap na older Felix Manalo at si A­lice Dixson ang older Honorata Manalo, ang misis ng unang minis­ro ng INC.

Nakapag-shooting na si Albert ng ilang mga eksena nang ma-confine sa ospital si Liezl.

Naintindihan ng Viva Films bosses ang pasya ni Albert na huwag nang gawin ang pelikula. Ang direktor na si Joel Lamangan ang may idea na patandain na lamang ang mga itsura nina Dennis at Bela sa pamamagitan ng prosthetics.

Pabor na pabor sa dalawa ang nangyari dahil lumaki ang kanilang mga role at nadagdagan ang mga talent fee nila.

Hindi nagsinungaling si Dennis nang aminin nito na ang talent fee niya sa Felix Manalo ang biggest sa lahat ng  mga talent fee na kanyang natanggap. Ang Felix Manalo rin ang pelikula niya na pinakamatagal na ginawa dahil umabot sa 50-plus ang bilang ng araw ng shooting.

 

Show comments