^

Pang Movies

Hindi rin naiinggit kay Kathryn na Teen Queen: Julia ginawang Prinsesa ng Kapamilya!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Kasabay ng bagong teleserye ni Julia Montes na Doble Kara ay ang pagbibigay sa kanya ng titulo ng ABS-CBN. Siya na ngayon ang bagong Royal Princess at ayon sa young actress ay masayang masaya siya and at the same time ay kinakabahan.

“Kasi siyempre, kailangan ko pong ibigay po ‘yun, eh,” say ni Julia sa presscon ng Doble Kara kahapon.  

“‘Yung ipinagkatiwalang pangalan po na ‘yun, kailangan ko pong i-give back, so kailangan ko pong patunayan.

“May pressure po talaga, sobra po talaga. ‘Yun nga po, sabi ko nga po, hindi ko ine-expect na magpe-presscon ako dati, ‘yung presscon pa lang na part, hindi ko ine-expect na magpe-presscon ako every show kasi siyempre, dati, na-experience ko lang po, ‘yong ganito (sa role), so wala kaming presscon. Du’n pa lang, parang sobrang nao-overwhelm na ako, mabigyan pa po ng title.

“And siyempre, hindi naman porke’t nabigyan po ako (ng title), eh, okay. Dapat po talaga i-prove ko sa kanila.”

Pero may aim din ba siya na ‘yung “princess” sa title niya ay maging queen someday?

“Lahat naman po ng artista ‘yun ang pangarap. Sana po. Sabi ko nga po, gusto ko, ‘pag dumating po ako sa point na tumanda ako, may maiiwan ako sa next generation or sa mas bata po sa akin or ‘yung sa mga susunod pa.”

Pero dahil sa bago niyang title na ito, hindi rin maiiwasan na maiko-compare na naman siya kay Kathryn Bernardo na may title namang Teen Queen.

“Of course, Kathryn is Kathryn po talaga and I’m happy po kung ano na po si Kathryn ngayon – Teen Queen, ‘di ba? And happy rin po ako na parang sabi ko nga po, from Mara Clara, hindi ko rin naman po ine-expect po na mabibigyan ako ng ibang role, na puwede po palang hindi ako maging kontrabida lang forever. Du’n pa lang po, super-thankful po ako at sa lahat po ng nabibigay sa akin, more than 4 or 3 soaps na pinagkatiwalaan po ako, ‘yun pa lang po talaga, sobrang suwerte ko na,” sabi ng young actress.

Alam naman daw niya na talagang hindi maiiwasang pagtapatin sila ni Kathryn since sila nga ang magkasama sa Mara Clara at dito talaga sila nagsimulang makilala.

“From Mara Clara, lagi kaming pinagka-clash, pero proud po ako na sabihin na walang halong ka-showbiz-an, talagang never sa aming pumasok ‘yun and talagang ang happy-happy ko kung nasaan man siya nga­yon, ‘yung pinag-uusapan namin before, hindi namin ine-expect na eto na and andu’n na siya. And talagang para kaming magkapatid, mag-ate by heart. Hindi lang bilang magkaibigan or mag-best friend,” say pa ni Julia.

Sa Doble Kara ay mahirap ang papel ni Julia dahil dual role siya rito. She’s playing Sarah and Kara at aniya ay hindi raw tala­ga madali ang ganitong role, very challenging pero sobrang happy raw siya na pinagkatiwalaan siya ng Dreamscape Entertainment ng ganito kalaking proyekto na solo title role talaga.

Magsisimula na sa Aug. 24 ang Doble Kara sa Kapamila Gold mula sa direks­yon nina Emmanuel Palo at Jon Villarin. Kasama rin sa serye sina Carmina Villaroel, Ariel Rivera, Mylene Dizon, Gloria Sevilla, John Lapus, Allen Dizon, and Ablora Sasam.

‘Di raw uso ang TV sa kanya Ariel hindi kilala si Julia

Sa presscon pa ring Doble Kara, naaliw naman kami sa sinabi ni Ariel Rive­ra na kinailangan pa niyang itanong sa kanyang asawang si Gelli de Belen kung sino si Julia.

“I asked my wife who Julia was, pakita mo nga sa akin sa Facebook or whatever kung sino si Julia. Tapos sabi niya, eto si Julia Montes, and then, sabi ni Carmina, napakabait na bata niyan, napakabait,” kuwento ni Ariel.

So, wala pala siyang idea kung sino si Julia?

“I don’t watch TV so, I don’t know who anybody is,” say ng aktor/singer.

Kahit nga raw ang sarili niyang teleserye ay hindi niya napapanood.

“Kasi, I’m busy, eh. With basketball, with my kids.”

Maraming beses na ring na-cast si Ariel sa mga soaps ng ABS-CBN and for the longest time ay talagang Kapamilya siya. Na-try na rin naman daw niya sa ibang networks pero dito raw siya talaga sa Dos nagsimula.

“Nag-umpisa ako dito, 1991. Kaya noong bumalik ako dito, I felt at home agad. Parang kakilala ko ‘yung mga tao pa rin, sina Eric, sina Deo, everybody.

“There’s a sense of belonging pagbalik ko dito, so I supposed this is where I’m comfortable and where I want to go,” pahayag ni Ariel.

Ginagampanan ng singer/actor sa Doble Kara ang papel na biological father ng karakter ni Julia.

     

ACIRC

AKO

ANG

DOBLE KARA

HINDI

JULIA

KATHRYN

MARA CLARA

NBSP

NGA

SIYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with