Kahit 42 na, Gelli mas maliit pa ang beywang kesa kina Danica at LJ!

Nasa third season na ang lifestyle show ng TV5 na Happy Wife Happy Life na napapanood araw-araw, 10:15 a.m. Nagkabiruan nang humarap na sa entertainment press sina Danica Sotto-Pingris, LJ Moreno-Alapag at Gelli de Belen-Rivera.

Paano, nagsimula ang show na ang kasama nina Danica at LJ ay ang mga finalists  ng Amazing Race Ph na sina RR Enriquez at Jeck Maierhofer, sa second season, nakasama na rin nila si Mariel Rodriguez, at ngayon sa third season, si Gelli na ang kasama nila at magiging regular co-host na ng show.

Matagal-tagal na ring nagko-co-host si Gelli kina Danica at LJ, nang magbakasyon si Mariel sa Spain kasama ng asawang si Robin Padilla.  Nang makabalik na si Mariel, hindi pa rin siya nakapag-report dahil maselan naman ang kondisyon niya sa pagbubuntis niya ng triplets nila ni Robin.  Sad, dahil after nawala ang first baby sana nila ni Robin in March, noong August 12, nawala naman ang dinadala niyang triplets.

Kaya iisa ang wish nina Danica, LJ at Gelli, dahil wala raw words na pwedeng maka-comfort kina Robin at Mariel, maliban sa prayers na malampasan nila ang mga pagsubok sa kanila at maaaring may ibang plans ang Diyos sa kanila.

Sa lighter side ng kuwentuhan, natanong sina Danica at LJ kung paano katrabaho si Gelli. Ayon kay Danica, may chemistry agad sila dahil masayang kasama si Gelli.  Si Gelli daw naman ang may pinakamaliit na waistline sa kanilang tatlo, sabi ni LJ.  At kung sila raw ang tatanungin, gusto nilang kahit bumalik na si Mariel sa show, manatili pa ring kasama nila si Gelli tulad noong una na apat talaga silang host, para raw mas masaya.

Hindi naman ikinaila ni Gelli na now that she’s already 42, mga bata pa niya nang nakilala sina Danica at LJ, kapitbahay daw nila si Vic Sotto noon at si LJ, little sister niya dahil iisa ang kanilang manager, the late Douglas Quijano.

At ngayong nasa third season na ang show, mas informative, mas masasayang episodes at more food trips ang ipakikita nila sa show.  Nag-taping na rin daw sila ng episodes sa mga lugar na hindi masyadong kilala pero marami palang masasarap na kainan doon at mura, tulad ng mga request ng mga letter senders nila.

Ipi-feature na rin nila ang napuntahan nilang fun places for kids na tulad ng Kidzania and Dinousaur Park. Kaya labis-labis ang pasasalamat nina Danica, LJ at Gelli sa mga televiewers at sana raw ay patuloy silang tangkilikin at nangangako silang more happiness ang ibibigay nila araw-araw.

Alden naglakad hanggang Cubao na may bitbit na kahoy!

Nagsimula ang challenge ni Lola Nidora (Wally Bayola) kay Alden Richards sa Kalyeserye ng #EatBulagaPaMore sa pagsi-celebrate pa naman ng 1st monthsary ng AlDub love team, na dapat within 20 minutes dadalhin niya ang ilang putol ng kahoy sa EDSA kay Rogelio.  Nakakatuwa na paglabas ni Alden ng studio na tumatakbo sinundan siya ng mga tao.

Bilib kami kay Alden na tinanggap niya ang hamon, dahil malayo rin ang Broadway Centrum sa Cubao.  May mga umalalay naman sa kanya habang naglalakad siya, may nagpapainom ng bottled water. Love na ba ito, talaga AlDub, dahil at 17:55 minutes, nakarating sa EDSA, Cubao si Alden at naiabot kay Rogelio ang putul-putol na kahoy. Kaya lamang, first challenge pa raw lamang iyon sa countdown sa ‘tamang panahon’ ni Lola Nidora.

Show comments