Kris pumiyok sa pagkakadawit sa Uber Taxi

Nag-react si Kris Aquino sa pagkakadawit niya sa mga Premium Taxi tulad ng Uber at Grab. Aniya sa kanyang Instagram post ay wala raw siyang kinalaman sa mga kumpanyang ito at wala raw siyang binibiling 200 vehicles para i-operate ito.

Narito ang kumpletong pahayag ni Kris sa kanyang IG noong Biyernes ng gabi:

“It has reached my attention that I am being dragged into the LTFRB-Premium Taxi-UBER-GrabCar issue. In particular, I am being accused of #SelfishMotives & #UnfairCompetition.

“Here are the FACTS: 1. I HAVE NOT BOUGHT NOR OWN 200 VEHICLES EARMARKED FOR PREMIUM TAXI UNITS from TOYOTA. 2. I DO NOT OWN ANY TAXI COMPANY THAT WILL OPERATE PREMIUM TAXIS. I DO HAVE A LONG TERM FINANCIAL INVESTMENT AS AN ANGEL INVESTOR w/@luckymanzano’s LBR TRANSPORT INCORPORATED BUT I HAVE NO DIRECT PARTICIPATION IN LBR’S MANAGEMENT & OPERATIONS.

“LBR DIDN’T INVEST IN PREMIUM TAXIS. (Dahil hahaba pa if I don’t define ANGEL INVESTOR, the term refers to a private, affluent individual who provides capital for a business start-up or expansion, usually in exchange for convertible debt or ownership equity. In our case, the amortization I am receiving from LBR has been going straight to the TRUST FUND of Josh & Bimb.)

“I INVESTED WITH LBR BECAUSE I HAVE FAITH IN THEIR VISION, MANAGEMENT, AND THEIR GROWTH DONE THE RIGHT WAY- BY HAVING FRANCHISES ACQUIRED THE PROPER WAY WITHOUT USING Luis’s Mom Governor Vi, his stepfather Senator Ralph Recto, or me.

“3. Get your facts straight before spreading malicious LIES about me.

“4. I’VE EARNED MY MONEY & CONTINUE TO EARN GOOD MONEY THROUGH HARD WORK, COMMITMENT, AND PASSIONATE DEDICATION. WHY WOULD I JEOPARDIZE OUR FAMILY’S GOOD NAME & REPUTATION WHEN I ALREADY EARN MILLIONS THE HONEST WAY?#TRUTH.”

As we all know, may issue sa LTFRB (Land Transportation Franchising Regulatory Board) ang mga naturang Premium Taxi partikular ang Uber na hindi pa umano nagpaparehistro ayon sa report.

Sarah walang malay sa mangyayari sa career

Amazing experience ang description ni Sarah Lahbati sa kanyang guesting sa ASAP last Sunday. Say niya sa kanyang panayam with Boy Abunda sa Aquino & Abunda Tonight.

Pero kung Kapamilya na ba siya, ‘yan ang hindi pa masagot ng girlfriend ni Richard Gutierrez.

“Well you know what Tito Boy, it was an ama­zing experience, ‘yung first time ko sa ASAP, but kung ano man po ang opportunity na dumating, open-minded po ako na tanggapin ‘yun at mag-work,” she said.

Sa ngayon ay sa It Takes Gutz to be a Gutierrez napapanood si Sarah sa E! Channel at nasa Season 3 na sila ngayon.

For this season, ani Sarah ay “maraming eksena na makikita samin nila Chard (Richard) at Zion na hindi nakikita sa ‘min. You know like sa buhay namin like candid moments, fun moments, sad moments and troubles.”

Ina ni Kathryn pumreno sa bintang na panggagaya daw ng JaDine

Nagpaliwanag na ang ina ni Kathryn Bernardo na si Min Bernardo hinggil sa controversial tweet niya tungkol sa panggagaya noong Lunes ng gabi.

Pinag-usapan kasi ang tweet niya nang gabing iyon na tila pinatutungkulan ang JaDine (James Reid and Nadine Lustre) loveteam dahil ang serye ng mga ito na On The Wings of Love ay nagsimula nang umere that night at ka-back-to-back ng Pangako sa ‘Yo serye nina Kathryn and Daniel Padilla.

Para matigil na ang spekulasyon na may pina­tutungkulan siya, nagbigay na lang siya ng maikling pahayag tungkol dito.

“Lahat kami ay magkakapamilya. Suportahan natin lahat ng programa ng ABS-CBN,” ang statement na ipinadala ng ina ni Kathryn sa media.

Show comments