Balik na sa pagtatrabaho si Cristine Reyes pagkatapos nitong manganak noong nakaraang February sa kanyang baby girl na si Amarah.
Kinuwento ni Cristine na hands-on daw sila ng kanyang boyfriend na si Ali Khatibi sa kanilang baby mula sa pagpapaligo, pagpapakain at pagpapatulog.
Six-month old na si Baby Amarah at marami na raw itong nagagawa na ikinatutuwa nila ni Ali.
Nag-enjoy ang aktres sa kanyang matagal na pahinga at ngayon ay ready na siyang ulit bumalik sa trabaho.
Mabilis ngang bumalik ang dating seksing katawan ni Cristine kaya handang-handa na siya ulit na mag-taping at mag-shooting.
Hindi kasi nagpabaya si Cristine sa kanyang katawan at patuloy ang kanyang workout via mixed martial arts training.
Huling project ni Cristine bago ito mabuntis ay ang pelikulang The Gifted with Anne Curtis sa ilalim ng Viva Films. Huling teleserye naman niya ay ang Honesto noong 2013 pa sa ABS-CBN.
Pinagkakatiwalaan naman ni Cristine ang Viva Artist Agency sa pakikipag-negotiate sa kanyang muling pagbabalik sa showbiz.
Pati mga show hindi na masisipot Mariel hindi pinagdiwang ang birthday
Hindi nagkaroon ng bonggang birthday celebration si Mariel Rodriguez noon nakaraang August 10 dahil inabisuhan siya ng kanyang doktor na mag-bed rest dahil sa maselan nitong pagbubuntis.
Kumpirmado ngang buntis si Mariel at ang ikinatutuwa ng mister nitong si Robin Padilla ay hindi lang daw kambal ang dala ng kanyang misis kundi triplets pa.
Sa huling pagpapa-checkup ni Mariel sa Asian Hospital and Medical Center in Muntinlupa City, may nakitang isa pang fetus ang kanyang OB-Gyne na si Dr. Eileen Manalo bukod sa dalawa na una niyang nakita sa ultrasound ni Mariel last August 1.
Binigyan na nga ito ng mga pangalan ni Robin: Juan, Maria and Gabriella.
Noong August 8 naman ay nag-post si Robin ng photo ng triplets na baby na may mga suot na t-shirts na nakalagay ay “I was planned”, “I was not” at “Me neither”.
Dahil sa masamang pakiramdam ni Mariel, parati raw itong tulog at kahit na sumapit ang kaarawan nito, hindi na nagawa ni Mrs. Padilla na mag-celebrate.
Kaya si Robin ay nag-post na lang sa Instagram ng kanyang misis na mahimbing na natutulog sa isang reclining chair sa kanilang bahay.
Heto ang caption ni Robin: “Happy 31st birthday! My 3 in 1. Your past 30 years brought you [a] life of happiness and adventure… I pray to the Almighty Creator to continue blessing you with his mercy and compassion on this very critical stage of your ultimate dream of being a good mother.
“You are right, whatever is the size of the third sac, she needs our parenthood now more than when she comes out because right now she is fighting for her survival… Happy birthday mom.”
Magandang birthday gift kay Mariel ang mabuntis ito with triplets pagkauwi nila ni Robin mula sa mahabang pagbabakasyon sa Spain.
Noong nakaraang March lamang ay nakunan si Mariel sa dapat na unang baby nila ni Robin. Eight weeks pregnant na noon si Mariel.
Ngayon ay walang ibang puwedeng gawin si Mariel dahil sa maselan niyang pagbubuntis. Kaya hindi muna raw siya mapapanood sa mga shows ng TV5 na Happy Wife, Happy Life at Happy Truck Ng Bayan.
First death anniversary ni Robin Williams, inalala
Ginunita nga ng Hollywood ang first death anniversary ng isa sa well-loved actor sa buong mundo na si Robin Williams.
Noong August 12, 2014 ay natagpuan wala nang buhay si Robin sa kanyang tahanan in Paradise Cay, California. Suicide ang naging sanhi ng pagkamatay ng comedian.
Bumuhos sa social media ang mga mensahe mula sa mga nakatrabaho at mga kaibigan ni Robin sa matagal nitong pagtrabaho sa pelikula at telebisyon.
Kabilang na rito ay ang aktres na si Sarah Michelle Gellar na nakasama ni Robin sa TV series na The Crazy Ones.
Sobrang apektado si Gellar sa pagkamatay ni Robin last year dahil itinuring niyang parang tunay na ama ito.
Bilang tribute niya sa award-winning comedian, pinost nito sa kanyang Instagram account ang photo ng Boston bench kung saan kinunan ang eksena ng aktor kasama si Matt Damon sa pelikulang Good Will Hunting.
Ginamit niyang caption ay ang quote ng writer na si Ralph Waldo Emerson:
“’To laugh often and much; to win the respect of the intelligent people and the affection of children; to earn the appreciation of honest critics and endure the betrayal of false friends; to appreciate beauty; to find the beauty in others; to leave the world a bit better wether by a healthy child, a garden patch, or a redeemed social condition; to know that one life has breathed easier because you lived here. This is to have succeeded’ #Emerson You succeeded RW #RobinWilliams.”