Maging si Piolo Pascual ay hindi makapaniwala na sobrang daring pala ng ginawa nilang eksena ni Rhian Ramos sa suspense thriller indie film nilang Silong na siyang magsasara ng Cinemalaya Film Festival 2015 ngayong Aug. 14 sa CCP Main Theater.
“The first time I saw it, we had a press screening a couple of days ago and hindi ko alam na ganu’n pala ka-daring ‘yung ginawa namin ni Rhian,” sabi ni Papa P. sa Aquino & Abunda Tonight last Tuesday.
Pero more than the daring scene ay nakakatakot daw ang pelikula at hindi nga raw siya nakagalaw agad sa kanyang kinauupuan for 10 minutes after the movie.
“Of course I don’t want to people to focus on the daring scenes or the love scenes, it’s more of a study of characters na I couldn’t move from my seat for 10 minutes after the movie ended,” say ni Papa P.
“It was disturbing,” dagdag pa niya.
“Mapapaisip ka kasi iba ‘yung konsepto niya, eh.”
Sa pelikula ay ginagampanan niya ang papel na isang doktor na namatayan ng asawa at nakita niya ang karakter ni Rhian na duguan. Isinama niya ito sa bahay at inalaagan.
Aside from being the lead actor, si Piolo rin ang isa sa producers ng Silong. Ang mga ganitong klaseng pelikula raw ang isa sa laman ng bucket list niya at sa panaginip lang daw niya kayang gawin dahil nga kakaiba ito sa mga usual movie na ginagawa niya which is mga rom-com type of movie.
Ayaw daw niyang limitahan ang sarili niya at gusto niya na sinu-surprise ang kanyang sarili.
James at Nadine wagi sa buong ‘Pinas
Nasungkit agad ng tambalan nina James Reid at Nadine Lustre ang puso ng buong sambayanan sa pagsisimula ng kwento ng most romantic teleserye ng 2015 na On the Wings of Love.
Base sa datos mula sa Kantar Media noong Lunes (Agosto 10), pumalo ang pinakabagong primetime teleserye ng ABS-CBN ng national TV rating 22.1%.
Panalo rin ang teleserye nina James at Nadine sa ibang bahagi ng bansa kabilang ang urban areas kung saan humataw ang teleserye ng TV rating na 23.4%. at 22.5% sa Mega Manila.
Dagdag patunay din sa tagumpay ng unang episode ng On the Wings of Love ang pagbuhos ng mga positibong tweet ng netizens sa micro blogging site na Twitter kung saan naging worldwide trending topic ang official hashtag ng programa na #OTWOLArrival dahil sa ganda ng kwento ng teleserye.
Robin bumwelta sa porno star
To the rescue ang manager ni Robin Padilla na si Betchay Vidanes sa statement ng Japanese actress na si Maria Ozawa na unprofessional si Binoe.
Si Maria ang leading lady ni Robin sa Metro Manila Film Festival entry na Nilalang at malapit na sana silang magsimulang mag-shooting.
Pero last Tuesday ay naglabas ng official statement ang kampo ni Binoe na nakasaad na hindi na raw kayang gawin pa ng action star ang pelikula dahil kailangan niyang alagaan ang asawang si Mariel Rodriguez na kasalukuyang six weeks pregnant.
Kinagabihan din ay sumagot si Maria sa kanyang Instagram account.
“It’s not that I really wanted to film w/ Robin, but I think it was so unprofessional of him to call it off 10 days before the shooting starts. . .I feel so sorry for the film, director’s, staff..etc,” post ni Maria.
Kahapon ng umaga ay nag-react naman si Bechay at ipinagtanggol si Binoe tungkol sa “unprofessional” na akusasyon ni Maria.
“Unprofessional to people like Maria Ozawa but for me, a real man with gentle heart to give way to her wife’s delicate condition. If you think Robin is unprofessional, then I think you are selfish,” post ni Betchay sa kanyang Facebook account.
Hmmm, ano naman kaya ang masasabi ni Maria Ozawa rito?