Mahulaan mo kaya Salve A. kung sino itong napakagandang bidang babae na most in need daw na gumamit ng deodorant. Hindi namin sasabihin kung single pa o hindi na siya. Well, Manny Pacquiao and Sarah Geronimo, please come to her rescue. They are both endorsers of a popular deodorant product.
Bailey, Ylona, Jimboy, at Franco sa labas na ng PBB rumarampa
Salve A., sa totoo lang miss na miss na namin ang mga teeners sa katatapos na Pinoy Big Brother (PBB) 737. Lalo na ang Big 4 finalists na sina Bailey, Ylona, Jimboy at Franco. Kung sabagay, madalas pa rin silang napapanood sa TV. Last Monday, they were featured in It’s Showtime.
Nadine magpapakasal para sa pera!
First episode pa lang ng On the Wings of Love but the series looks promising. Kahit mga bata pa lang ang supposed characters nina James Reid and Nadine Lustre. Ang role kasi ni Nadine as Lea ay nangarap na makarating ng America para makatulong sa kanyang pamilya. Na siya rin namang pangarap ni Clark na ginagampanan ni James, isang American born citizen.
Nang ma-expire ang visa ni Lea ay nagkasundo sila Clark na magpakasal para magkaroon ng American citizenship ang una. Ito ay kapalit ng perang kinakailangan ni Clark. Tiyak maraming mga Pilipino sa America ang makaka-identify sa roles na ginagampanan ng dalawa. Marami sa kanila ang nagpapakasal kahit walang pag-ibig in exchange for the American dream.
Sa ilalim ng direksyon nina Antoinette Jadaone at Jojo Saguin, ang On the Wings of Love ay binubuo ng ilan sa pinakahinahangaang aktor sa industriya kabilang sina Joel Torre, Bianca Manalo, Albie Casino, Nanette Inventor, Nico Antonio, Jason Francisco, Nhikzy Calma, Andrei Garcia, Laiza Comia at Cherry Pie Picache. Kasama rin sina Isay Alvarez at Katya Santos para sa kanilang espesyal na pagganap.
James at Nadine nagpaikot-ikot sa tulay
Part of the series ay kinunan sa San Francisco, USA. Ayon kay Nadine, still sounding overwhelmed, ay hindi sila nagsawa ni James sa pamamasyal pabalik-balik sa San Francisco bridge in a sports car supposedly owned by Clark (James).
This early, wish ni Nadine na makabalik ng San Francisco, USA with her real life family. Dreamscape Entertainment ang producer ng On The Wings of Love na siya ring producer ng Nathaniel.
Wendell ginawang circus ang mga istasyon
Wow, isa nang Kapamilya si Wendell Ramos, formerly a Kapuso then a Kapatid. Siya ang gumaganap na Gabriel, anak ni Gabriela (Teresa Loyzaga) sa ibang lalake at lalabas na kuya ng magkakapatid na sina Norma (Arci Munoz), Sari (Ellen Adarna) at Jamie (Coleen Garcia) sa Pasion de Amor. Di pa matiyak ang role niya sa series kung bida o kontrabida.
The series not only marks his first appearance with the girls but also with the other male leads, such as Jake Cuenca, Ejay Falcon and Joseph Marco. Ang Pasion de Amor ay mapapanood sa ABS-CBN bago mag-TV Patrol.