^

Pang Movies

JK wala nang pag-asang makita ang totoong ama

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Masayahin si Juan Karlos “JK” Labajo at kita ito ng entertainment press na dumalo sa launch ng self-titled debut album niya from MCA Music Inc, ng Universal Music Group.  Pero may malungkot din palang pinagdaanan ang 14-year-old third placer ng The Voice Kids with Coach Bamboo.  Tanong kay JK kung tulad din ang pinagdaanan niya sa The Voice Kid champion na si Lyca Gairanod na nangalakal with her mother para sa ikabubuhay nila?

“Hindi po naman ako nangalakal, at may bahay naman kami, pero parang malapit na doon,” natatawang sagot ni JK.  “Naging parang pulubi po ako noon na nanghihingi ako ng pagkain sa mga kaklase ko.  Hindi ko nakilala ang father ko, na isang German, at namatay ang mother ko na wala siyang sinabi sa akin tungkol doon, kahit ang lola ko na nagpalaki sa akin, parang may itinatago sila sa akin.  Hindi ko rin naranasan na makasama ko ang mother ko dahil mayroon siyang ibang family.  Pero four months ko ring iniwan ang studies ko para alagaan ko siya nang magkaroon siya ng pancreatic cancer.  Humingi ako ng sorry na hindi ko siya nakasama at naalagaan nang matagal.”

Bukod sa pagkanta, passion din niya ang pag-arte, nakasama na siya sa Hawak-Kamay katambal si Andrea Brillantes, pero ang crush niya ay si Sofia Andres.  Hindi pa raw niya kaya ang mag-solo concert ngayon tulad ni Darren Espanto. Pero siguro raw next year, sa 15th birthday niya, sa Music Museum muna.

Eight tracks ang album ni JK, carrier single ang Para Sa ‘Yo at ang iba pang tracks ay This Gravity, This Song Is For You, Summer Time Love, Maybe Love, Di Ka Man Lang Nagpaalam at ang Para Sa Yo (band version) at Gravity (acoustic version).  Out na sa CDs at sa Astroplus at Astrovision outlets at through digital downloads via Spinnr ang iTunes.

AiAi hindi matapus-tapos ang tsika kay Gardo

Finale episode na bukas ng gabi ng romantic-comedy series na Let The Love Begin, after ng Pari Koy.  Heartwarming ang finale dahil mabubuo na ang pamilya ni Pia (Gabbi Garcia) at ng amang si Tony (Gardo Versoza) at inang si Sophie (Rita Avila).  Kung may malungkot mang mangyayari sa tunay na ama ni Erick (Ruru Madrid), tiyak namang sasaya na rin ang family niya at muling makakatagpo ng bagong nagmamahal si Jeni (AiAi delas Alas) kay Jom (Mark Anthony Fernandez).  Pero ang mas kaabang-abang kung ano ang kasasapitan ng mga kontrabidang sina Celeste (Donita Rose), Katy Fairy (Gladys Reyes) at Luchie (Rita Daniela).

Thankful si AiAi na sa first drama series niya sa GMA-7 ay muli niyang nakatrabaho ang close friend niyang si Gardo at very unforgettable na nakaeksena si Gladys. Naging parang reunion daw nila ang soap na bago sila mag-take, ang tagal dahil hindi matapus-tapos ang kwentuhan nila. Hindi rin niya malilimutan ang mga eksenang kasama niya ang dalawang youngstars na sina Ruru at Gabbi dahil pareho silang mahuhusay at ibinu­king pa niyang naniniwala siyang may relasyon na ang dalawa.

ACIRC

ANDREA BRILLANTES

ANG

COACH BAMBOO

DARREN ESPANTO

DI KA MAN LANG NAGPAALAM

DONITA ROSE

HINDI

NBSP

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with